Buntis na OFW, napaanak sa kalagitnaan ng panayam sa kanya ng GMA News

Buntis na OFW, napaanak sa kalagitnaan ng panayam sa kanya ng GMA News

- Napaanak sa kalagitnaan ng interview ng GMA news ang buntis na OFW na humihingi ng tulong

- Kasalukuyan siyang naka-video call kausap ang reporter nang makaramdam na ito ng pananakit ng tiyan

- Tumulong na rin ang GMA News sa pagtawag ng ambulansya ngunit hindi na ito kinaya pa ng ginang

- Siniguro naman ng kanyang recruitment agency na kukupkupin muna ang mag-ina habang inaaskaso pa ang repatriation ng OFW pabalik ng bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buntis na OFW, napaanak sa kalagitnaan ng panayam sa kanya ng GMA News

Hindi inaasahang napaanak na ang isang overseas Filipino wirker sa Jeddah, Saudi Arabia habang ka-video call nito ang GMA News.

Nalaman ng KAMI na kasalukuyang kausap ng OFW na si "Teresa" ( di niya tunay na pangalan) ang reporter para makahingi ng tulong na madala siya sa ospital nang makaramdam siya ng pananakit ng tiyan.

Ayon sa ulat ni Tina Panganiban-Perez ng 24 Oras, hindi umano nahintay pa ng OFW ang ambulansiyang tinawagan din mismong ng GMA News at tuluyan na itong nanganak sa bahay ng kanyang amo.

Kwento ni Teresa, umuwi siya sa Pilipinas noong Oktubre 2019 at bumalik sa makalipas ang dalawang buwan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi niya akalaing siya ay nagdadalang tao na nang makabalik sa trabaho na ikinagalit ng kanyang employer.

Agad naman siyang nabigyan ng exit visa ng kanyang employer ngunit dahil sa mga travel restrictions buhat nang lumaganap ang COVID-19 sa mundo, hindi na siya agad na nakabalik.

Samantala, nangako naman ang kanyang recruitment agency na pangangalagaan muna silang mag-ina habang isinasaayos pa ang proseso ng repatriation sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa lamang si Teresa libo-libong mga OFW na humihingi ng saklolo mula sa iba't ibang bahagi ng mundo na sila makauwi na lamang sa Pilipinas sa gitna ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel