Buntis na OFW, pumanaw dahil sa COVID-19; sanggol sa sinapupunan, naisalba

Buntis na OFW, pumanaw dahil sa COVID-19; sanggol sa sinapupunan, naisalba

- Binawian ng buhay ang isang pitong buwang buntis sa UAE dahil sa COVID-19

- Sa una'y naging maayos pa ang lagay ng 28-anyos na buntis na kalaunan ay naging kritikal kaya kinailangan siyang lagyan ng tube support

- Nagawa pang isalba ng mga doktor ang sanggol sa sinapupunan ng ina ngunit makalipas ang ilang oras ay pumanaw na rin ito

- Labis na mahirap ito para sa mister na noon ay nakikipaglaban din sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buntis na OFW, pumanaw dahil sa COVID-19; sanggol sa sinapupunan, naisalba

source: Joseph Ayson Tiglao
Source: Facebook

Isa na namang Pinay sa ibang bansa ang pumanaw dahil sa COVID-19. Sa kasamaang palad, nagdadalang tao ito nang tamaan ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na pitong buwang buntis si Grace Joy nang pareho silang mag-asawa na tamaan ng virus.

Kwento ng kanyang mister na si Joseph sa GMA News, mahirap ang sitwasyon nila lalo na at hindi niya makasama ang kanyang asawa dahil siya ay naka-isolate na rin.

Nakakausap pa naman niya sa umpisa ang kanyang misis at bumubuti rin ang lagay nito.

Ngunit habang tumatagal nagiging komplikado na ang kalagayan nito kaya kinailangan na siyang lagyan ng tube support.

Kinailangan nang sumailalim si Grace sa Caesarean operation upang maisalba ang baby sa sinapupunan nito.

Naging matagumpay naman ang naturang operasyon kung saan nailabas ang baby girl na si Dylhanne Grace bandang 10:30 ng gabi.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kasamaang palad, dalawang beses inatake sa puso si Grace at kinabukasan matapos na mailabas ang sanggol, binawian na rin siya ng buhay.

Pinayagan naman ng ospital si Joseph na mapuntahan ang misis nang araw na iyon, Mayo 23.

Nakwento pa ni Jospeh na nakausap pa niya ang misis na pinipilit siyang pumunta doon ng mas maaga. Hindi niya alam, iyon na pala ang araw na mawawala na ang misis at tila gusto na nitong mamaalam.

“Super sakit isipin kasi nga andito ako wala akong magawa bilang asawa niya. If alam ko lang, hindi ko na siya iniwan sa hospital nun since parehas naman kaming positive,” emosyonal na pahayag ni Joseph.

June 27 nang makumpirmang COVID-19 free na si Joseph matapos na mag-negatibo sa dalawang test na isinagawa sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa huling tala na binahagi ng worldometers, 48,246 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa UAE.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel