Quiapo Church, naka-lockdown matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isang pari roon

Quiapo Church, naka-lockdown matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isang pari roon

- Kasalukuyang naka-lockdown ang Quiapo Church matapos na mag-positibo sa COVID-19 ang isang pari roon

- Nakarating pa umano sa Mindanao ang naturang pari kung saan niya nakumpirmang may COVID-19 na siya

- Negatibo naman sa isinagawang rapid testing ang mga nakasalamuha nito sa simbahan

- Tatagal ng hanggang Hulyo 4 ang lockdown sa simbahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Quiapo church, naka-lockdown matapos na magpositibo sa COVID-19 at isang pari roon

Isinailalim sa lockdown ang Quiapo church sa Maynila matapos na magpositibo ang isang pari roon.

Sa panayam kay ng GMA News kay Fr. Douglas Badong ang parochial vicar ng Quiapo Church, ilang buwang namalagi ang pari sa kanilang simbahan habang naka-community quarantine ang Kamaynilaan.

Ngunit nang maari nang magbiyahe, agad daw itong nagtungo ng Mindanao kung san nakumpirmang mayroon siyang COVID-19.

Hunyo 13 nang mapag-alaman nila ang kalagayan ng pari na nagturo rin sa Cagayan de Oro.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, agad na nagsagawa ng rapid testing sa mga nakasalamuha nito sa Quiapo Church at lahat naman sila'y negatibo sa virus.

Tatagal ng hanggang Hulyo 4 ang lockdown ng simbahan na hindi pa rin naman talaga nagpapasok sa loob kahit na may misa.

Naglalagay lamang sila ng giant screen sa labas ng simbahan at ang mga deboto ay maaring manood at makinig sa labas ngunit dapat na sumusunod sa social distancing at ibang safety protocols kontra COVID-19.

Mapapanood din ang mga misa at dasal ng simbahan sa kanilang official Facebook page.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Basílika Menor ng Itím na Nazareno; Parish of Saint John the Baptist o mas kilala sa tawag na Quiapo Church ay matatagpuan sa Maynila kung saan libo-libong deboto at namamanata ang dumarayo pa rito.

Naniniwala silang ang simbolo o rebulto ng Itim na Nazareno na nananahan sa Quiapo ay milagroso kaya naman kahit lumaganap ang COVID-19, may ilang dumaraan at nagdarasal pa rin kahit sa labas lamang ng simbahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel