Kilalang designer sa Cebu City, natagpuang patay sa kanyang tahanan

Kilalang designer sa Cebu City, natagpuang patay sa kanyang tahanan

- Wala nang buhay nang datnan sa kanyang tinitirhang apartment ang kilalang designer sa Cebu City na si Lord Maturan noong June 25

- Ayon sa nakapanayam na kapitbahay nito, hinihinalang pumanaw ito dahil sa cardiac arrest

- Base sa lumabas na ulat, tumawag pa sa kanyang kapatid si Maturan noong gabi ng June 24

- Ayon dito ay nahihirapan na raw huminga ang pumanaw na designer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala nang buhay nang datnan sa kanyang tinitirhang apartment ang kilalang designer sa Cebu City na si Lord Maturan sa Barangay Day-as noong umaga ng June 25.

Sa isang report ng SunStar Cebu, base sa nakapanayam na kapitbahay ni Maturan, hinihinalang nasawi ito dahil sa cardiac arrest.

Base sa lumabas na ulat, tumawag pa sa kanyang kapatid si Maturan noong gabi ng June 24.

Ayon dito ay nagsabi raw ito na nahihirapan itong huminga.

Sa isang Facebook post ng netizen na si Ray Nacar, binatikos nito ang kakulangan ng Medical Facility para sa mga COVID-19 cases.

Kilalang designer sa Cebu City, natagpuang patay sa kanyang tahanan

Photo from the official Facebook page of Lord Maturan Atelier
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ginawa nitong halimbawa ang nangyari kay Maturan na hindi na umano nabigyan ng pagkakataong mabuhay dahil dito.

"Like Lord Maturan was never given a chance to survive because the emergency response team could not get to him on time. They called for help a night before and only to be found dead the following morning since there was no ambulance who responded," ayon sa FB post ni Nacar.

Wala pang opisyal na ulat kung ano ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito.

Samantala, dumagsa naman ang pakikiramay at panalangin para kay Maturan.

Sa official FB page ng Lord Maturan Atelier, ipinakita pa ng yumaong designer ang kanyang mga magagandang desenyo ng face masks na siyang in-demand ngayong may pandemya.

Hindi rin nito nakalimutang magbahagi ng tulong para sa mga frontliners at iba pang nangangailangan ng tulong sa pamamagitan ng kanyang talento.

Kasalukuyang nasa ilalim ng strict lockdown ang Cebu dahil sa nakakabahalang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel