Netizens, naaliw sa batang napakanta ng sinaunang awit habang nagpapabakuna

Netizens, naaliw sa batang napakanta ng sinaunang awit habang nagpapabakuna

- Viral ang video ng isang batang idinaan sa kanta ang takot sa pagpapabakuna

- Nang sabihan siya ng kanyang doktor na "kanta ka nalang" kumanta nga ang bata upang pakalmahin ang sarili

- Laking gulat ng netizens sa dinami-rami ng kanta ngayon, lumang awit pa ang kanyang napiling kantahin

- Maging ang kumukuha ng video ay di naiwasang mapahalakhak dahil hindi rin nila inaasahang makakanta ito ng bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Netizens, naaliw sa batang napakanta ng sinaunang awit habang nagpapabakuna

Maraming netizens ang naaliw sa cute na cute na batang lalaking dinaan sa kanta ang takot niya sa pagpapabakuna.

Binahagi ng netizen na si Ruof Ruof Fourfour ang video ng batang si Raven Skye na iyak ng iyak habang inihahanda ng doktor ang injection para sa kanya.

Mapapansing tila nakikipagnegosasyon pa si Raven at ayaw niya magpabakuna lalo na nang makita ang karayom.

Halos magwala ang bata na hanggang sa sabihin ng doktor na kumanta na lamang daw ito.

Nang matuloy ang pagbabakuna, laking gulat maging ng kanyang mga kasama na "Can't take my eyes off of you" pa ang napili nitong awitin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa dinami-rami nga naman ng bagong awitin ay iyon pa ang napili ng bata.

Dahil sa magkabilaang braso ang bakuna nito, biniro na lamang siya ng doktor na hindi nito tinapos ang kanta kaya ipagpapatuloy niya sa kabilang braso na ginawa nga ng bata.

Naaliw maging ang kumukuha ng video kay Raven at maging ang mga netizens na nakapanood sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umabot na sa 84,000 ang reactions ng video at mayroon na itong 2.2 million views.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel