NCR, wala pa rin sa listahan ng mga lugar na pwede nang pumasada ang pampasaherong jeep

NCR, wala pa rin sa listahan ng mga lugar na pwede nang pumasada ang pampasaherong jeep

- Naglabas na ng listahan ng mga lugar kung saan pahihintulutan nang mamasada ang mga public utility jeepney sa kabila ng patuloy na paglaganap ng COVID-19

- Ipinahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jt. sa isinagawa niyang briefing ngayong Lunes, Hunyo 29

- Kasabay nito ang pag-aanunsyo ng 980 units ng UV Express ang pinayagan nang mamasada sa Metro Manila

- Tinatayang halos apat na buwan nang tigil pasada ang mga jeepney na naging sanhi nang ilang eksena ng mga tsuper nito tulad ng pamamalimos dala ng kawalan ng kita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

NCR, wala pa rin sa listahan ng mga lugar na pwede nang pumasada ang pampasaherong jeep

Hindi pa rin kasama ang National Capital Region (NCR) sa mga lugar kung saan pahihintulutan nang mamasada ang mga public utility jeepney.

Nalaman ng KAMI na 13 na lugar ang kasama sa nabanggit ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang briefing ngayong Lunes, Hunyo 29.

Base sa ulat ng GMA news, ang 13 na lugar na ito ay ang mga sumusunod:

Bulacan, Pampanga, Cagayan de Oro, South Cotabato, Siquijor, Region 1 (Ilocos Region), Region 6 (Western Visayas), Region 8 (Eastern Visayas), Region 10 (Northern Mindanao), Region 11 (Davao Region), Region 12 (Soccsksargen) at Region 13 (Caraga).

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Samantala, habang ang mga jeepney ay mananatiling tigil pasada pa rin, pinahintulutan naman ang 980 units ng UV Express na pumasada na sa Metro Manila.

Malaking bagay umano ito sa mga balik trabaho na at maiibsan ang problema nila sa masasakyan papasok at pauwi.

Matatandaang halos apat na buwan na ngayong walang pasada ang mga pampasaherong jeep dahilan upang sila ay mapilitan nang mamalimos dahil wala na silang panggastos sa araw-araw. Ang masaklap, wala na rin silang maipakain sa kanilang mga pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa na rito ang 73-anyos na tsuper na si Elmer Cordero kung saan na-detain pa sa Caloocan dahil sa pakikiisa sa sinasabing protesta sa kahabaan ng EDSA.

Sa naunang ulat ng KAMI, nilinaw naman nilang nanghihingi lamang sila ng kauntaing tulong sa mga dumaraan kumakalam na ang kanilang mga sikmura dala ng kawalan ng kita.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel