Nasa 100 na stranded sa pier, siksikan na nang maabutan pa ng malakas na ulan

Nasa 100 na stranded sa pier, siksikan na nang maabutan pa ng malakas na ulan

- Maraming mga Pinoy ang na-stranded sa labas ng pier dahil kulang umano ang mga requirements nila

- Ang iba sa mga pasahero ay inabutan pa ng ulan at ang ilan sa kanila ay tatlong araw nang nag-aabang sa pier

- Subalit, sabi naman ng mga pasahero ay kumpleto ang mga dokumento nila pero hinihingan sila ng swab test result

- Paalala naman ng Joint Task Force COVID-19 Shield Police, hindi pa requirement sa ngayon ang swab test para makaalis ang isang tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa ilang mga balita, halos nasa isang daang locally stranded individuals o LSIs ang pansamantalang nagpalipas ng gabi sa labas ng North Port Terminal sa Tondo, Maynila nitong Linggo ng gabi.

Nalaman ng KAMI na na-delay ang pag-alis ng mga tao gamit ang ferry kaya matagal silang naghintay sa terminal.

Nasa 100 na stranded na Pinoy sa pier, ‘di pinayagang makaalis dahil kulang daw sa swab test

Photo from ABS-CBN
Source: Facebook

Sa Facebook post ng Inquirer, sabi raw ng mga na-stranded sa pier ay kumpleto na sila sa requirements tulad ng ticket, barangay clearance, travel authority, at resulta ng rapid test pero hindi pa rin sila pinapayagang makabiyahe.

Dagdag pa nila, ang sabi raw sa kanila ay kinakailangan din daw nilang magpakita ng resulta ng swab test para payagan silang sumampa sa barko.

Kaya naman, ang ilan sa kanila ay tatlong araw nang naghihintay sa terminal at nagbabakasakaling payagan na silang maka-uwi.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa ulat naman ng GMA News Online, sinabi ni Joint Task Force COVID-19 Shield Police Lieutenant General Guillermo Eleazar na hindi kailangan ang swab test ngayon upang payagang makaalis ang mga tao.

“Maaaring nagkaroon lang ng konting kalituhan… sa ngayon ay hindi pa kailangan itong PCR test result para ikaw ay makaalis,” aniya.

Matapos ang insidente nitong Linggo ng gabi ay pinayagan ding makapasok ng North Port ang mga na-stranded na pasahero nitong Lunes ng umaga.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel