KC Montero, kabilang sa mga hinuli sa raid sa isang resto sa Makati

KC Montero, kabilang sa mga hinuli sa raid sa isang resto sa Makati

- Kabilang ang Host na si KC Montero sa mga nahuli sa isang police raid sa isang restaurant sa Makati

- Mahigit 100 na Pinoy at dayuhan ang naaresto dahil umano sa pag-violate sa quarantine health restrictions

- Kasama din ni KC ang kanyang asawa sa nasabing resto-bar na matatagpuan sa 18th floor ng condominium sa Salcedo Village, Barangay Bel-Air

- Ayon sa Makati police chief Col., nakatanggap sila ng reports tungkol sa hindi umano pagsunod sa social distancing sa nasabing resto-bar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kabilang ang Host na si KC Montero at asawa nito sa mga hinuli ng mga otoridad matapos i-raid ang isang resto-bar sa Makati.

Ayon sa Makati police chief Col. na si Col. Oscar Jacildo, nakatanggap sila ng reports tungkol sa hindi umano pagsunod sa social distancing sa nasabing resto-bar sa mga nauna nitong mga operasyon.

Sa ilalim ng general community quarantine, bawal pang magbukas ang mga bar.

Ayon kay KC, lumabas lamang silang mag-asawa para kumain sa nasabing resto-bar.

"That place was open before so parang feeling ko, okay. Why were they open if they're not allowed to open? Maybe that's my fault, I didn't do my research. So feeling ko, they're allowed to be open. So I went," aniya.

KC Montero, kabilang sa mga hinuli sa raid sa isang resto sa Makati

KC Montero, kabilang sa mga hinuli sa raid sa isang resto sa Makati
Source: Twitter

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ng isang kumakatawan sa resto-bar na wala silang nilabag.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinumpirma pa ng isang employee at the customer na sumusunod sila sa social distancing protocol.

Ani KC, tila hindi naman tama na hinuli sila dahil umano hindi nag-social distancing pero nilagay sila sa isang truck kung saan hindi naman umano nasusunod ang tamang distansiya.

"That's like backwards social distancing. They arrest us for protecting us for social distancing, tapos force us to not social distance, and then put us--did you see the truck there? That's bad," ani KC.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si KC Montero ay kilalang host ng isang multimedia platform. Isa din siyang aktor at modelo. Kapatid siya ng isa pang aktor na si Troy Montero.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel