Instagram post ni Gerald Anderson, pinagkaguluhan ng netizens

Instagram post ni Gerald Anderson, pinagkaguluhan ng netizens

- Isang inspirational message ang ibinahagi ni Gerald Anderson sa Instagram

- Gayunpaman, tila mas napansin ng netizens ang picture na kanyang ibinahagi kalakip ng mensahe tungkol sa pagharap ng mga hamon sa buhay

- Makikita ang isang babae at lalaking magkahawak sa nasabing picture ngunit hindi kita ang mga mukha nila

- Sa comment section ng nasabing post, muling dumagsa ang komento ng netizens at kadalasan ay nanghuhula kung sino ang babae sa litrato

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang inspirational message ang ibinahagi ni Gerald Anderson para sa kanyang mga Instagram followers. Ito ay tungkol sa pagharap at pagtanggap ng mga hamon sa buhay.

"Treating each and every moment, no matter how challenging - as something to be embraced, not avoided.. To not only be ok with it ,but love it and be better for it.. So that like oxygen to a fire, obstacles and adversity become fuel for your potential.." aniya. Kasabay nito ay isang litrato ang kanyang ibinahagi.

Instagram post ni Gerald Anderson, pinagkaguluhan ng netizens

Instagram post ni Gerald Anderson, pinagkaguluhan ng netizens
Source: Instagram

Ikinaintriga ng netizens ang tungkol sa pagkakakilanlan ng babaeng kasama niya sa nasabing litrato.

May mga nagsabing maaring si Bea Alonzo umano ang kasama niya base sa mensaheng ibinahagi niya.

Mayroon ding nagsasabing si Julia Barretto daw ito. Matatandaang na link ang dalawa matapos ang kontrobersiyal na paghihiwalay nina Bea at Gerald.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mariing pinabulaanan ni Julia na siya ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

Para naman sa ibang netizen, maaring ang kanyang ina yun o di kaya ang katrabaho niya sa "A Soldier's Heart" na si Irma Adlawan.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Parang mas may thrill kay gerald yung mga ganyang you & me against the world na relasyon. Same sa sitwasyon with maja, sarah at kung papano sila nag simula ni Bea.
Halata namang hindi si Julia eh. Maka comment lang.
A Soldier’s Heart. Feeling ko si Yazmin and Hakeem. Mother and son bonding .

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu.

POPULAR: Read more about Gerald Anderson here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel