Matteo Guidicelli, ibinida kung gaano siya kaswerte sa kanyang misis

Matteo Guidicelli, ibinida kung gaano siya kaswerte sa kanyang misis

- Marami ang kinilig sa Instagram post ni Matteo Guidicelli kung saan ibinida niya ang pagiging maasikaso ng kanyang misis

- Ani Matteo, maswerte siya sa asawa niyang si Sarah Geronimo dahil matapos nitong ipagluto ng dinner, ginawan pa siya ng dessert

- Inilarawan din niya ang popstar royalty bilang isang amazing loving wife

- Ikinasal ang ag-asawa nitong February 20 sa Victory Church sa Taguig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinilig ng sobra ang mga tagahanga ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa pagbibida ng aktor sa kanyang misis sa kanyang Instagram post.

Aniya, maswerte siya sa kanyang amazing loving wife na ipinagluluto siya ng dinner at ginawan pa siya ng dessert.

Marami ang napa komento ng "sana all" sa maiksi ngunit sweet na mensahe ni Matteo para sa asawa niya.

Matteo Guidicelli, ibinida kung gaano siya kaswerte sa kanyang misis

Matteo Guidicelli, ibinida kung gaano siya kaswerte sa kanyang misis
Source: Instagram

Mahigit apat na buwan pa lamang mula nang pumutok ang balita tungkol sa nangyaring gulo nang ikasal ang dalawa sa isang Christian wedding ceremony sa Victory Church sa Taguig noong February 20.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nabalot ng kontrobersiya ang nasabing kasalan matapos magkagulo dahil sa pagsugod ng ina ng singer. Napag-alamang hindi nila ipinaalam maging sa ina ni Sarah ang kanilang pagpapakasal.

Matapos ang apat na buwan, nanatiling tikom ang bibig ng magkaparehong kampo kaugnay sa isyu ng pagsugod umano ni Mommy Divine sa reception ng kanilang kasal.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

POPULAR: Read more about Sarah Geronimo here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel