Magsasaka, minabuting ipamigay ang tanim na kalabasa sa mga nagugutom

Magsasaka, minabuting ipamigay ang tanim na kalabasa sa mga nagugutom

- Viral ang kabutihang ginawa ng isang magsasaka na namigay ng kanyang ani

- Ilang malalaking kalabasa ang kanyang inani para lamang maipamigay sa mga kapitbahay

- Marami sa kanila ang nagugutom kaya imbis na ibenta, ipinamigay na lamang niya ito

- Umani ng papuri ang magsasaka lalo na at isa rin naman siya sa mga labis na naapektuhan ng krisis ng COVID-19 ngunit bukal pa rin sa puso niya ang tumulong at ibahagi kung anuman ang mayroon pa siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinangaang ang magsasakang si Victor Agpalsa Barangay Baras, Tacurong City dahil sa pagtulong na ginawa niya sa kanyang mga kapitbahay.

Nalaman ng KAMI na inani ni Victor ang tanim na kalabasa upang maipamigay.

Tulad niya, nakakaramdam na rin ng gutom ang karamihan sa kanilang lugar dala ng kawalan ng trabaho o kita kaya naman naisipan ni Victor na ibahagi ang mga ani.

Masustansiyang pagkain pa ang kalabasa na kinakailangan talaga ng mga mga kababayan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, umani ng papuri si Victor dahil kahit siya mismo ay nakararanas ng krisis dala ng COVID-19, hindi siya nanamantalang ibenta pa ang mga tanim at mas minabuting ipamahagi ito.

Hangad ng mga netizens na pagpalain pa si Victor dahil sa kabutihan niyang pinamalas sa kabila ng matinding suliraning kinakaharap ng bansa.

Sana'y matulungan din ang magsasakang tulad niya na apektado rin ang kabuhayan bilang pag-iingat sa paglaganap ng virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang larawan ni Victor na binahagi rin ng Facebook page na Quezon Province Page - Support Francis Leo Marcos:

Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Napakabuti mo po, sana tularan ka ng marami"
"Mga ganitong tao ang masarap tulungan, hindi nanghihingi lang kundi nagsusumikap pa talaga"
"God Bless you po Mang Victor, makabawi ka po sana sa ani mo dahil sa kabutihan pinamalas mo sa kapwa mong nagugutom"
"Sana matulungan din si Mang Victor kasi for sure, maging ang pamilya niya ay kinakapos na rin sa pagkain dahil sa COVID na yan"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel