Kasambahay na OFW, nakapagpatayo ng magandang bahay bilang regalo sa ina

Kasambahay na OFW, nakapagpatayo ng magandang bahay bilang regalo sa ina

- Nakakabilib ang isang OFW na nakapagpundar ng bahay para sa kanyang ina

- Mas malaki ang bahay na kanyang naipatayo at siniguro niyang maganda at matibay ang mga materyales na ginamit dito

- Kitang-kita ang katas ng pinaghirapan ng OFW sa ibang bansa at maswerte siyang may naipundar siya sa kanyang pagtatrabaho na malayo sa kanyang pamilya

- Masaya siyang naisakatuparan ang isa sa mga pangarap niya para sa pamilya at lahat nang ito ay sinamahan niya ng sipag, tiyaga at pananampalataya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Proud na ibinahagi ng OFW na si Joena Ordinario ang video kung paano niya ipinaayos at pinaganda ang kanilang bahay.

Nalaman ng KAMI na regalo ito ni Joena para sa kanyang pinakamamahal na ina.

12 na taon nang kasambahay sa ibang bansa si Joena at dati'y pinapangarap lamang niya ang pagpapatayo ng sariing bahay.

Pinakita niya ang itsura dati ng kanilang tahanan. Bagaman at sementado na ito, hindi pa ito maayos, maliit at wala pang pintura.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Malaking-malaki ang pagkakaiba nito sa bagong bahay na malawak, maaliwalas at makulay.

Bawat materyales na ginamit sa bahay ay siniguro niyang matibay para raw pangmatagalan na talaga at hindi basta masisira.

Maging ang kanyang lutuan ay talagang mamahalin na handog pa rin niya para sa kanyang nanay.

Bagaman at isang taon na natigil ang pagpapatuloy ng pagpapagawa, napatapos pa rin niya ito nang muli siyang nakaipon.

Tunay na nakakabilib si Joena na dahil sa kanyang sakripisyo sa paghahanapbuhay sa ibang bansa, naisakatuparan niya ang dating pinapangarap lamang para sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel