14 na sakay ng isang fishing vessel, nawawala matapos umanong mabangga ng Chinese cargo vessel

14 na sakay ng isang fishing vessel, nawawala matapos umanong mabangga ng Chinese cargo vessel

- 14 na sakay ng isang fishing vessel ang kasalukuyang nawawala sa karagatan ng Mindoro

- Kabilang sa 14 na sakay ng fishing vessel na tumaob ay 12 crew at 2 empleyado

- Ayon sa ulat, nabangga ang fishing vessel ng isang Chinese cargo vessel

- Patuloy pang iniimbestigahan kung aksidente o intentional ang nangyari ayon sa general manager ng fishing and company na nagmamay-ari ng fishing vessel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang fishing vessel ang napabalitang tumaob sa karagatan ng Mindoro. Nawawala din umano ang 14 na sakay nito na kinabibilangan ng 12 crew at 2 empleyado.

Ayon sa ulat ng DZRH, nabangga umano ang nasabing fishing vessel ng isang Chinese cargo vessel.

Sa panayam ng DZRH sa Irma Fishing and Trading Company General Manager na si Fermin Soto, ibinahagi niya na inantabayanan pa na baka sakaling may makitang survivor bago tuluyang lumubog ang lantsa.

"Yung Liberty Singko.. noong nag-report sa atin, alas-7 wala po report. Negative siya, nag-alala kami. Mayroon kami mga umalis dito carrier boat. Pagkasabi ng coast guard, hindi magkaintindihan kasi slang 'yung salita. Mga 4 pm dumating 'yung backup. Nakataob 'yun lancha. Alas-10 pa lang ng umaga nakitang nakataob 'yun lancha," ani Soto.

14 na sakay ng isang fishing vessel, nawawala matapos mabangga ng Chinese cargo vessel

14 na sakay ng isang fishing vessel, nawawala matapos mabangga ng Chinese cargo vessel
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Bago tuluyang malubog yung Liberty Cinco, inaantabayan pa naman kung may nakitang survivor."

Aniya, maari ding intentional o aksidente ang nangyari at hindi pa umano sigurado kung ano ang nangyari.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Soto: Napakalinaw, butas ang kanilang unahan, 'yung tama base sa report ng coast guard, 'yung tama sa kaliwa napakalaking yupi. Hindi ako sure [kung intentional], nandyan na ang aksidente hindi pa natin masabi kung intentional.'

matatandaang noong Junyo ng nakaraang taon ay 22 na mangingisda ang nalagay sa panganib matapos ang banggan nila ng isa ding Chinese vessel sa West Philippine Sea.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel