Mayor Vico Sotto, hindi nagpatinag sa isang negosyanteng nagmura sa ilang opisyales ng LGU

Mayor Vico Sotto, hindi nagpatinag sa isang negosyanteng nagmura sa ilang opisyales ng LGU

- Isang video ng pakikipagdiskusyon ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa isang negosyante ang viral ngayon sa social media

- Makikita sa nasabing video na nagkainitan na ang alkalde at ang negosyante matapos sitahin ni Vico ang mga naging violations umano nito

- Ipinaliwanag na rin ni Sotto ang mga nangyari sa pamamagitan ng isang social media post upang maunahan niya na sakaling putol na video ang ikalat at baliktarin siya

- Nilinaw din ng alkalde na patas siya sa lahat, mayaman o mahirap, ngunit hindi siya uupo't manunuod lamang kapag may nang-aapi ng kapwa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang video ng pakikipagsagutan ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa isang negosyante ang kumakalat ngayon sa internet.

Makikita sa nasabing video na sinita ng alkalde ang nasabing negosyante dahil sa mga violations umano nito.

Mayor Vico Sotto, nilinaw ang tungkol sa engkwentro sa 1 negosyante

Sa video na ibinahagi ng Sakto News YouTube channel, nagkataasan pa ng boses ang magkabilang panig.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa ilang mga nakasaksi, first time nilang nakita umano kung paano magalit si Mayor Vico at mapatunayan na kaya silang ipagtanggol nito para sa kanilang kapakanan.

Gayunpaman, inunahan na ni Vico na ipaliwanag ang tungkol sa pangyayari. Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Vico ang mga naging dahilan ng kanilang pagsita sa negosyante.

Kabilang sa mga naging violations umano nito ay ang pag-iwan ng container van at crane sa gitna ng kalsada, pagsira ng humps at ibang parte ng kalsada.

Nasa 3rd floor na rin umano ang konstruksyon ng building nila samantalang pang 2 palapag lang ang Building Permit

Bukod dito, minura, nginaratan, at hinamon umano nito ang ilang opisyales ng LGU na nagpapaliwanag sa kanya.

Janella Salvador, nagbahagi ng litrato sa gitna ng kumakalat na balita tungkol sa kanya

Ibinunyag din ng alkalde na binaliktad nila ang kwento at nag-file ng letter-complaint sa Malacañang laban sa LGU nang ipatigil na ang ginagawa nilang demolition.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mayor Vico Sotto, hindi nagpatinag sa isang negosyanteng nagmura sa ilang opisyales ng LGU

Mayor Vico Sotto (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Si Vico Sotto ay nakilala bilang anak ng TV host na si Vic Sotto at batikang aktres na si Coney Reyes. Kasalukuyan siyang nanunungkulan bilang Mayor ng Lungsod ng Pasig.

Isa siya sa pinakapinupuring mga alkalde dahil sa magagandang proyektong kanyang pinapatupad sa kanyang nasasakupan. Kamakailan ay binahagi niya ang tungkol sa libreng face shield na pinapamigay ng kanilang pamahalaang lungsod.

Pinatunayan niya rin ang katapatan sa pamumuno niya nang tanggihan niya ang 2 milyon na ibinibigay sa kanya kapalit ng pagpapabilis ng pag apruba ng permit ng isang negosyante.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel