Babaeng nanganganib na mapaalis sa inuupahan, gumawa ng straw mat bilang paghahanda

Babaeng nanganganib na mapaalis sa inuupahan, gumawa ng straw mat bilang paghahanda

- Isang babae na napagsabihang papaalisin ng landlady pag hindi nakabayad ng renta ang umani ng simpatya mula sa netizens

- Isa umanong Barangay frontliner ang babaeng 37 anyos na naninirahan sa Paco, Manila

- Dati pa umano siyang gumagawa ng sleeping mat para sa mga taong walang matuluyan

- Bilang paghahanda sa maaring mangyari gumawa siya ng sleeping mat na gawa sa mga gamit nang straw para sa pansariling gamit niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa mga litrato ng isang 37 anyos na ginang na gumagawa ng sleeping mat na gawa sa plastic straw. Ayon sa isang ulat ng Philippine star, isang frontliner sa Pao, Manila si Lemy Saguilon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi na bago sa kanya ang paggawa ng sleeping mat dahil nagawa niya na rin umano ito dati para sa mga "homeless people" na bumibili sa kanyang gawa sa halagang 350.

Ang pinagkaiba lang ay pansariling gamit na ang kanyang ginagawa bilang paghahanda saksaling tuluyan siyang mapaalis ng kanyang landlady sa kanyang inuupahan kapag hindi umano siya makabayad ng renta sa katapusan ng buwan.

Lemy Saguilon, 37, a barangay frontliner, weaves a sleeping mat made from scrap plastic straws in Paco, Manila on Sunday. She said she used to craft mats for homeless people who would buy it for P350. Now, she's making one for her personal use as her landlady threatens her to leave if she fails to pay the rental fee at the end of the month.

Babaeng nanganganib na mapaalis sa inuupahan, gumawa ng straw mat bilang paghahanda

Babaeng nanganganib na mapaalis sa inuupahan, gumawa ng straw mat bilang paghahanda
Source: Facebook

Umani ng mga komento ang nasabing post. Marami sa mga netizen ang naantig sa kwento ni Saguilon. Mayroon naman ding humanga sa taglay niyang pagiging mapamaraan at malikhain.

Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nagpatupad na rin ng mga quarantine ang ibang mga lalawigan.

Ang COVID-19 o Corona Virus Disease ay sanhi ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Unang nakapaminsala sa tao ang virus na ito noong 2019 sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa central China. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakakabawi ang China mula sa dagok na dala ng pandemic na ngayon ay namiminsala na rin sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel