Amerikanong stranded sa Cebu, kinupkop ng isang pamilya sa loob ng apat na buwan

Amerikanong stranded sa Cebu, kinupkop ng isang pamilya sa loob ng apat na buwan

- Libreng pinatuloy ng isang pamilya sa Cebu ang American backpacker na si Dustin Borglin

- Inabot na ng community quarantine si Dustin sa Cebu kaya kinupkop siya ng isang pamilya roon

- Bilang pasasalamat sa kabutihan ng pamilya, tinulungan niya itong magawa ang kanilang munting barong-barong

- Pinakita niyang malapit na itong matapos at ang ilang bahagi na nito ay sementado

- Nagawa rin niyang tumulong pa sa ilang kapitbahay ng pamilya na nakararanas din ng krisis dala ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakaka-proud ang ginawang pagtulong ng isang pamilya sa Cebu sa na-stranded na American backpacker na si Dustin Borglin.

Nalaman ng KAMI na inabot na ng community quarantine si Dustin sa lugar at buong puso naman siyang kinupkop ng pamilya.

Hindi siya sinamantala ng mag-anak at libre lamang ang pagkupkop ng mga ito sa dayuhan.

Kasama nila itong kumain, at labis na natutuwa naman si Dustin sa karanasan niyang ito kasama ang pamilya sa loob ng halos apat na buwan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bilang pasasalamat sa kabutihan ng pamilya, ipinagawa ni Dustin ang barong-barong ng mga ito.

Pinakita ni Dustin na unti-unti nang naayos ang bahay. May ilang bahagi na sementado na at malapit na raw itong matapos.

Bukod dito, nagbabahagi rin ng grocery items sa mga kapitbahay si Dustin dahil alam niyang apektado rin ito ng krisis dala ng COVID-19.

Sa kabila ng tumaas na bilang ng COVID-19 sa Cebu, nakakataba ng puso na nagagawa pa ring tumulong ng mga kababayan nating Cebuano maging sa dayuhan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kwento ni Dustin na binahagi ng South China Morning Post:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel