Asong naging “training partner” ni Sen. Manny Pacquiao, nasagasaan sa Gen San

Asong naging “training partner” ni Sen. Manny Pacquiao, nasagasaan sa Gen San

- Aksidenteng nasagasaan ang aso ni Senator Manny Pacquiao na naging training partner niya simula noong 2006

- Itinuturing niyang "bunso" ang asong kanilang pinangalanang Pacman

- Sobrang ikinalungkot umano ng senador ang nangyari sa kanyang alagang aso

- Nagkulong umano ito sa kwarto matapos mapag-alamang wala na si Pacman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sobrang ikinalungkot umano ni Senator Manny Pacquiao ang pagkamatay ng kanyang alagang aso na si Pacman.

Ayon sa isang tweet na GMA News reporter na si Mav Gonzalez, nasagasaan sa General Santos ang 14 anyos na Jack Russell terrier. Palagi itong nakakakasama ni Sen. Manny sa kanyang mga trainings kaya kilala siya bilang "training partner" ni Pacman.

Ayon sa mga naunang ulat, itinuturing ni Sen. Pacquiao na "bunso" si Pacman.

"Pacman was Sen. Manny Pacquiao’s beloved bunso and training partner since 2006. The 14-year-old Jack Russell terrier died after accidentally getting run over by a car in Gensan yesterday," ani Mav Gonzales sa isang tweet.

Asong naging “training partner” ni Sen. Manny Pacquiao, nasagasaan sa Gen San

Asong naging “training partner” ni Sen. Manny Pacquiao, nasagasaan sa Gen San
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kakauwi lang umano ng pamilya Pacquiao sa Gensan dahil sa lockdown sa Metro Manila. Sobrang ikinalungkot umano ni Sen. Pacquiao ang pangyayari at nagkulong sa kwarto nang malaman ang nangyari. Nakalibing na sa bakuran nila ngayon si Pacman.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao. Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang. Binuhusan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel