87-anyos na naglalako ng tanim niyang prutas at gulay, natulungan ng mabait na negosyante

87-anyos na naglalako ng tanim niyang prutas at gulay, natulungan ng mabait na negosyante

- Isang 87-anyos na lola ang nakatanggap ng di inaasahang biyaya mula sa mabait na negosyanteng nadaanan siya sa Guagua, Pampanga

- Naglalako sa gilid ng kalsada ang lola ng mga prutas at gulay at halos walang pumansin sa kanya

- Nang malaman ng negosyante na ang matanda pa mismo ang nagtatanim ng kanyang paninda, sinobrahan pa nito ang bayad sa mga pinakyaw niyang prutas at gulay

- Bakas sa mukha ng matanda ang kasiyahan sa natanggap na tulong mula sa mabuting negosyante na pinaalala rin sa lola na si "God" ang nagbigay ng biyaya sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

87-anyos na naglalako ng tanim niyang prutas at gulay, natulungan ng mabait na negosyante

Isa na namang nakaaantig ng pusong eksena ang ibinahagi ng Sabrinacio Footwear-main dahil mayroon na naman silang natulungan.

Nalaman ng KAMI na nabiyayaan nang di inaasahan ang isang 87-anyos na si Lola Maria na naglalako ng prutas at gulay sa Guagua, Pampanga.

Tinanong ng mabait at matulunging negosyante na si Shiwen Lim kung magkano ang paninda ng lola at maayos naman itong sumagot sa pag-aakalang bibili lamang ito ng ilang piraso.

Doon natanong na ni Shiwen ang ilang detalye tungkol sa matanda.

Nabanggit ni Lola Maria na walang sumusuporta sa kanya sa kabila ng kanyang edad dahil ang nag-iisang anak niyang kasama sa bahay ay nagkaroon pa ng nervous breakdown.

Mas lalo pang humanga ang negosyante sa lola nang malamang ito rin mismo ang nagtatanim ng kanyang mga paninda.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, tulad nang madalas niyang gawin sa mga maliliit na negosyante, pinakyaw niya ito.

Ngunit dala ng pagkamangha sa tibay ng loob ng loob halos triple ang ibinayad niya sa halagang sinabi ng lola.

Bakas ang kaligayahan ng lola dahil sa hindi inaasahang biyaya na naipagkaloob sa kanya nang araw na iyon.

Ayon pa kay Shiwen, “Hindi sila nagtitinda para yumaman. Nagtitinda sila para mabuhay.”

Kaya sana raw, kahit hindi natin gaano kailangan ngunit may sobra naman tayo, bilhan natin ang mga munting negosyanteng tulad ni Lola Maria bilang tulong na rin sa araw-araw nilang pamumuhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

Sa naunang ulat ng KAMI, magkapatid na naglalako ng merienda ang natulungan ni Shiwen nang minsang magawi sila sa Quezon.

Bakas sa mukha ng dalagita ang pagkagulat na kahit hindi kalakihang halaga ang iniabot sa kanila ng negosyante, malaking bagay na ito para sa gastusin ng kanilang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel