Monching Gutierrez, wala nang balak na magpakasal at masaya na sa mga anak

Monching Gutierrez, wala nang balak na magpakasal at masaya na sa mga anak

- Naging emosyonal si Janine Gutierrez sa isang Q&A session kasama ang kanyang amang si Monching Gutierrez

- Sa kanyang YouTube channel ibinahagi ni Janine ang kanilang masayang kwentuhan kasama ang kanyang ama

- Ayon kay Monching wala na umano siyang balak na muling magpakasal at masaya na siya sa pagiging single at sa mga anak niya

- Sa kabila ng paghihiwalay nila ng dating asawang si Lotlot de Leon, nanatiling malapit ang mga anak nila sa kanilang mga magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Janine Gutierrez ang kaniyang masayang kwentuhan kasama ang amang si Monching Gutierrez noong Araw ng mga Ama.

Game na sumagot ang aktor sa mga tanong na ibinigay ng mga netizens. Kabilang na sa mga tanong ay kung may balak pa daw ba itong mag-asawa uli.

Ayon kay Monching wala na siyang balak na magpakasal na muli dahil masaya na siya sa kanyang buhay kahit single siya at nariyan naman ang mga anak nila ng dating asawang si Lotlot de Leon.

Monching Gutierrez, wala nang balak na magpakasal at masaya na sa mga anak

Monching Gutierrez, wala nang balak na magpakasal at masaya na sa mga anak
Source: Instagram

Matapos ang kanilang paghihiwalay, tila wala nang babaeng napabalitang naging karelasyon ng aktor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Lotlot naman ay nakapag-asawa muli ng foreigner na si Fadi El Soury. Ikinasal sila noong December 2018.

Si Janine ang panganay sa apat na anak ni Monching kay Lotlot.

Sa kabila ng paghihiwalay ng kanilang mga magulang, nanatiling malapit ang mga anak nila sa kanila. Hindi din napigilan ni Janine na maiyak sa bandang huli ng video habang binabati ang ama ng Happy Father's Day.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Ramon Christopher o Monching ay anak nina Eddie Gutierrez at Pilita Corrales. Ilan sa kanyang mga kapatid sa ama ay sina Ruffa Gutierrez, Tonton Gutierrez, Richard Gutierrez at Raymond Gutierrez.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel