Para sa mga anak: Dating OFW, nais pa ring umuwi kahit may iba nang kinakasama ang misis

Para sa mga anak: Dating OFW, nais pa ring umuwi kahit may iba nang kinakasama ang misis

- Umantig sa puso ng netizens ang sinapit ng isang dating OFW na hindi na pinauuwi pa ng kanyang misis

- Nagkasakit ang kanyang pamangkin na nasa Bulacan kaya naman lumuwas siya para tulungan ito

- Dahil sa paglaganap ng COVID-19, inabot na siya ng lockdown sa Bulacan

- Kahit hindi na raw siya tatanggapin pa ng kanyang misis, nais parin niyang makauwi alang-alang sa kanyang mga anak na malapit sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Para sa mga anak: Dating OFW, nais pa ring umuwi kahit may iba nang kinakasama ang misis

Viral ang post ng negosyante na si Rosemarie Tan dahil sa muli na naman niyang pagtulong sa isang taong nangangailangan.

Nalaman ng KAMI na isa pa lang dating OFW ang natulungan ni Rosemarie na na-stranded lamang dala ng community quarantine.

Sa post ni Rosemarie, makikita ang larawan ng matandang lalaki na nasa tabing kalsada lamang at tila emosyonal.

Naikwento nito nagkaroon ng sakit ang kanyang pamangkin sa Bulacan kaya naman daw ay napaluwas ito.

Sa kasamaang palad, dahil sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa, hindi na siya agad na nakauwi pa ng Cebu.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hanggang sa nakatanggap na lamang daw siya ng text mula sa kanyang misis na ayaw na siyang pauwiin nito.

Napag-alaman din niyang mayroon na kasi itong kinakasamang ibang lalaki.

Masakit para sa dating OFW na ito ang kanyang sinapit ngunit desidido pa rin daw siyang makabalik ng Cebu alang-alang sa mga anak.

Aniya, malalapit sa kanya ang mga anak na may edad na isa at apat na taong gulang.

Hindi talaga nito napigilang mapaluha dala ng sinapit sa kabila ng paghihirap na kanyang ginawa para sa pamilya.

Binahagi daw ni Rosemarie ang kwento at larawan ng lalaki upang mas dumami pa ang taong makatulong dito at tuluyan nang makauwi sa Cebu para manlang sa mga anak niya.

Nagbahagi na rin ng ilang grocery items at isang libong pisong panggastos si Rosemarie na labis na ipinagpasalamat ng dating OFW.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng post:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel