40 katao sa isang lugar sa Iloilo, naka-close contact ng isang LSI na nagpositibo sa COVID

40 katao sa isang lugar sa Iloilo, naka-close contact ng isang LSI na nagpositibo sa COVID

- Isang locally stranded individual ang umani ng pambabatikos matapos nitong hindi itago na galing siya sa Maynila

- Marami siyang taong naka-close contact matapos niyang magpa-manicure, magbasketball at makipag-inuman sa kanilang lugar

- Umabot sa 40 katao ang isinailalim sa home quarantine matapos ang contact tracing na isinagawa

- Ang locally stranded individuals o LSI ay ang tawag sa mga taong inabutan ng lockdown at hindi nakauwi sa kanilang lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang locally stranded individual o LSI na nagpositibo sa COVID-19 sa Iloilo ang ngayon ay umani ng pambabatikos matapos niyang itago na siya ay galing sa Maynila.

Ayon sa ulat ng RMN Iloilo, nagpa-manicure umano ito, nakipaglaro ng basketball at nakipag-inuman pa bago niya malamang positibo pala siya sa COVID-19.

Ayon sa Punong Baranggay ng Lapuz, Lapaz na si Erico Hortillosa, umuupa ang LSI na 44 anyos sa kanyang tiyahin sa Mansaya at doon iniwan ang kanyang anak. Siya ay taga-Mindanao umano.

Lumuwas ng Maynila noong Marso ang LSI at umuwi sa Iloilo noong Hunyo 12. Imbes na umuwi sa Mansaya, dumiretso siya sa kanyang kubo sa Ingore sa pagkakabahala na mahawa ang anak sa sakaling mag positibo nga siya sa COVID.

40 katao sa isang lugar sa Iloilo, naka-close contact ng isang LSI na nagpositibo sa COVID

40 katao sa isang lugar sa Iloilo, naka-close contact ng isang LSI na nagpositibo sa COVID
Source: Facebook

Huli na nang mapag-alaman na positibo nga siya. Ilan sa mga naging paglabag niya sa qurantine protocols ay ang pakikipag-inuman niya, pagpapa-manicure at naglaro pa ng basketball.

Umabot sa 40 na residente ang isinailalim sa home quarantine matapos lumabas ang resulta ng contact tracing sa nasabing LSI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naka isolate din ang pinsan ng LSI na bumisita sa kanya.

Ang locally stranded individuals o LSI ay ang tawag sa mga taong inabutan ng lockdown at hindi nakauwi sa kanilang lugar.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao.

Nagpatupad na rin ng mga quarantine ang ibang mga lalawigan.

Ang COVID-19 o Corona Virus Disease ay sanhi ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Unang nakapaminsala sa tao ang virus na ito noong 2019 sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa central China. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakakabawi ang China mula sa dagok na dala ng pandemic na ngayon ay namiminsala na rin sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.

POPULAR: Read more news about Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel