Babaeng mayroon palang COVID-19, pumanaw ilang araw mula ng umasa lang sa "tuob"

Babaeng mayroon palang COVID-19, pumanaw ilang araw mula ng umasa lang sa "tuob"

- Nag-home remedy lamang ang isang babae sa Cagayan matapos na makaramdam ito ng ilang sintomas ng COVID-19 at kalaunan ay pumanaw din

- Hindi rin daw ito kumonsulta agad sa doktor kaya hindi agad nalapatan ng kaukulang medikal na atensyon ang kanyang kalagayan

- Apat na miyembro ng kanyang pamilya ay tinamaan din ng virus at kasalukuyang nasa isolation facilities

- Mariing ipinaaalala ng Department of Health na hindi gamot ang tuob sa COVID-19 dahil hindi pa umano napapatunayan ang bisa nito lalo na sa pasyenteng tinamaan ng virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Babaeng mayroong palang COVID-19, pumanaw ilang araw mula ng umasa lang sa "tuob"

Patay ang 34-anyos na babae mula sa Cagayan De Oro City na positibo sa COVID-19 matapos na mag-self medicate at mas piniling mag-steam inhalation.

Nalaman ng KAMI na hindi raw nagpatingin sa doktor ang pumanaw na pasyente kahit mayroon na itong sintomas ng COVID-19.

Dead-on-arrival nang siya ay dalhin sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC) noong Hunyo 7.

Sa panayam ni Rod Bolivar ng ABS-CBN News kay NMMC liaison officer na si Dr. Bernard Julius Rocha, nakaramdam pa raw ng pananakit ng tiyan at pagsusuka ang babae at agad na inasa sa "tuob" ang nararamdamang sintomas ng virus.

Huli na nang malamang COVID-19 ang kanyang iniinda ay siya ang ika-15 na tinamaan nito sa Northern Mindanao.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, maging ang apat na miyembro ng kanyang pamilya at nag-positibo rin sa virus at kasalukuyan nang nasa isang isolation facility.

Binigyan diin ng Department of Health na hindi kumpirmado na "tuob" o "steam inhalation" ay masasabing lunas sa COVID-19.

Maaring mabigyan lamang ang pasyente ng panadaliang kaginhawahan ngunit hindi pa rin ito gamot sa nakamamatay na virus.

Kaya naman paalala nila na sa ngayon, ang mabisang paraan pa rin ng pag-iwas sa virus ay ang pananatili pa rin sa mga tahanan kung walang importanteng dapat lakarin. Kung kinakailangan namang lumabas, siguraduhing naka-face mask at magdala lagi ng alcohol.

Sa ngayon, umabot na sa 34, 803 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Babaeng mayroong palang COVID-19, pumanaw ilang araw mula ng umasa lang sa "tuob"

source: Rod Bolivar/ ABS-CBN News
Source: Facebook

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel