Bag na puno ng love letters, natagpuan ng isang babae sa kisame ng kanilang ancestral house

Bag na puno ng love letters, natagpuan ng isang babae sa kisame ng kanilang ancestral house

- Marami ang na-intriga sa post ng isang netizen tungkol sa mga love letters na kanyang nakita sa kisame ng kanilang ancestral house

- Nakalagay ito sa loob ng isang lumang bag at naisulat noong 1970s pa base sa mga petsang nakasaad sa sulat

- Nakausap ng netizen ang nagsult ng mga love letters at ibinahagi nito ang dahilan kung bakit niya iniwan ang mga sulat

- Umani ng samu't-saring reaksiyon mula sa online community ang post at agad itong nag-viral sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ang nagbahagi ng mga litrato ng mga love letters na kanyang natagpuan sa isang lumang bag sa kisame ng kanilang ancestral house. Aniya, nais niyang maibalik sa may-ari ang nasabing sulat.

Kabilang sa mga naiwan sa loob ng bag ay ang pagkakakilanlan ng may-ari ng mga iyon. Isang Alfredo Custodio ang nagsulat ng mga nasabing love letters para sa babaeng kanyang iniibig na kanyang tinawag na Daday.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil mabilis na nagviral ang Facebook post na ito ni Gela Petines, nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap si Mang Fred pati na rin ang kapatid nito na nakita sa isang photo negative na kalakip ng mga laman ng bag.

Bag na puno ng love letters, natagpuan ng isang babae sa kisame ng kanilang ancestral house

Bag na puno ng love letters, natagpuan ng isang babae sa kisame ng kanilang ancestral house
Source: Facebook

65 taong gulang na si Mang Fred at 21 anyos lamang umano siya ng isinulat niya ang mga love letters. Sa isang ulat ng 24 Oras, nilinaw ni Mang Fred na nasulat niya ang mga iyon dahil sa pagdadalawang isip niya na ligawan si Daday dahil baka tanggihan lang siya nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

"Dinaan ko na lang sa sulat, iniwan ko na lang pati 'yung bag. Sabi ko sa mga kaibigan ko, kasamahan ko sa trabaho, kung halimbawa 'ka ko makita n'yo, pakibigay na lang kay Daday," ani Mang Fred.

Hindi na nakarating kay Daday ang mga sulat na iyon pero walang umanong pinagsisihan si Mang Fred sa mga nangyari dahil nakatagpo naman siya ng babaeng kanyang makakasama sa buhay.

"Hindi ko na masasabi na may interes pa ako na pagmamahal sa kanya kasi mayroon na rin akong asawa," aniya.

Sa kasalukuyang panahon, madalang na lamang ang mga nagsusulat ng love letters dahil ang lahat ay maari nang maiparating ang mga mensahe sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel