Bossing Vic, 'napatawag’ kay Vico dahil kay Mayor Donya Tesoro

Bossing Vic, 'napatawag’ kay Vico dahil kay Mayor Donya Tesoro

- Marami ang kinilig sa "bawal Judgemental" segment ng Eat Bulaga nitong Sabado

- Isa sa mga naging panauhin ang mga mayor ng iba’t ibang lugar sa bansa

- Kabilang sa mga ito ay ang Mayor ng San Manuel Tarlac na si Doña Cresencia R. Tesoro

- Maraming beses nang nirereto ng mga netizens si Mayor Donya kay Pasig City Mayor Vico Sotto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa naging panauhin sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” nitong Sabado ay si San Manuel Tarlac Mayor na si Doña Cresencia R. Tesoro o si "Mayor Donya."

Maraming beses nang nirereto ng mga netizens si Mayor Donya kay Pasig City Mayor Vico Sotto kaya naman, marami ang kinilig sa pag guest nito sa noontime show kung saan mismong ama ni Vico na si Bossing Vic Sotto ang isa sa mga hosts.

Pabirong napatawag si Bossing Vic Sotto sa anak niyang si Pasig City Mayor Vico Sotto nang ihayag ni San Manuel, Tarlac, Mayor Donya Tesoro na wala itong kasalukuyang manliligaw.

Sa pakikipag-usap ni Mayor Donya sa TV hosts na sina Jose Bayola at Paolo Ballesteros, naitanong sa kanya ang tungkol sa mga personal na bagay.

Wala raw boyfriend sa ngayon si Mayor Donya.

Nang tinanong kung ano ang gusto niya sa magiging boyfriend sinabi ni Mayor Donya na basta hindi umano ito babaero at yung mauunawaan ang kanyang trabaho.

Bossing Vic, 'napatawag’ kay Vico dahil kay Mayor Donya Tesoro

Bossing Vic, 'napatawag’ kay Vico dahil kay Mayor Donya Tesoro
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa niya, hindi niya priority ang lovelife niya sa kasalukuyan.

Tila ini-link na ng Dabarkads si Mayor Donya kay Mayor Vico Sotto.

Maging si Bossing ay nagtanong kay Mayora. “May nanliligaw ba sa inyo ngayon?”

Pabirong napaabot si Bossing sa kaniyang phone at tinawagan ang anak niyang mayor ng Pasig City nang sumagot si Mayora na wala siyang manliligaw.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Doña Cresencia R. Tesoro ay nahalal bilang Mayor ng San Manuel Tarlac noong 2019. Isa siya sa 20 millenial mayors na nahalal sa Luzon. Bago siya naging Mayor, naglingkod siya bilang konsehal at Vice Mayor.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel