OFW na tinaggihan ng ospital sa Saudi, patay sa atake sa puso

OFW na tinaggihan ng ospital sa Saudi, patay sa atake sa puso

- Pumanaw ang isang OFW Sa Saudi sa mismong lugar kung saan siya nagtatrabaho

- Ito ay matapos na dalawang oras siyang naghihintay sa ambulansya at tinanggihan pa siya ng ospital

- Nang ibinalik na lamang siya sa lugar kung saan siya nagtatrabaho, doon na siya binawian ng buhay

- Masama pa ang loob ng kanyang misis at mga anak dahil ibinalot lamang sa itim na bag ang kanyang labi at iniwan lamang itong nakabilad sa arawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

OFW na tinaggihan ng ospital sa Saudi, patay sa atake sa puso

Kalunos-lunos ang sinapit ng 58-anyos na OFW na si Benigno Untalan, matapos na bawian ng buhay sa mismong lugar kung saan siya nagtatrabaho.

Nalaman ng KAMI na 28 taon nang crane operator sa Al Khobar Saudi Arabia si Untalan at ito raw sana ang huling taon niya ng pagtatrabaho roon.

Ayon sa ulat ni Emil Sumangil ng 24 Oras, nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Untalan na agad nagsabi na dalhin siya sa pagamutan.

Nakunan pa ito ng video habang naghihintay sa ambulansyang susundo sa kanya upang madala sa ospital.

Ngunit inabot ng dalawang oras ang kanyang paghihintay bago siya nadala sa ospital na tatanggihan din naman siya.

Kaya ibinalik na lamang siya sa kanilang workplace ngunit sa kasamaang palad, pumanaw ito sa gate pa lang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ibinalot agad ang bangkay ni Untalan sa itim na bag ngunit ang masaklap, itinambak lamang ito sa labas.

"Naka-survive sana ang asawa ko. Nilagay pa ang bangkay sa ano, parang aso. Ang bait pa naman ng asawa ko," ayon sa naiwan niyang misis na si Alma.

Kwento pa ng kanyang misis, inatake na raw sa puso si Untalan noong 2019 ngunit di pa rin ito paawat sa pagtatrabaho lalo na at tatlo ang pinaaral nilang mga anak.

"Mahal na Presidente, nananawagan po ako sa inyo, at nagmamakaawa. Sana po matulungan niyo ang asawa ko na mailibing, makita ko ang bangkay niya," panawagan ni Alma upang maiuwi ang labi ng mister sa bansa.

Siniguro naman ni Jocelyn Hapal, Policy and Program OIC ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na madadala sa bansa ang labi ni Untalan lalo na at hindi naman daw ito namatay dahil sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel