Kwento ng lolo na nakiusap sa jeep na ayaw siyang pasakayin, umantig sa puso ng netizens

Kwento ng lolo na nakiusap sa jeep na ayaw siyang pasakayin, umantig sa puso ng netizens

- Binahagi ng isang netizen ang nasaksihan niyang eksena sa jeep kung saan nakiusap ang isang lolo na isakay siya roon

- Pupunta raw ang lolo sa kanyang anak dahil pinalayas siya ng isa pa niyang anak

- Bukod pa rito, pinagmalupitan pa siya nito at nagawa raw siyang paluin ng kanya mismog tungkod

- Nadurog ang puso ng netizens at naawa sa kalagayan ng lolo na sana raw ay maayos na nakarating sa isa pa niyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kwento ng lolo na nakiusap sa jeep na ayaw siyang pasakayin, umantig sa puso ng netizens

Viral ang post ng netizen na si Chris Asuncion na nakasaksi ng pakikiusap ng lolo sa driver ng sinasakyan niyang jeep.

Nalaman ng KAMI na ayaw sanang pasakayin ng tsuper ang matanda dahil senior na ito at bawal pa itong lumabas ngunit mapilit ito.

"Uuwi ako sa anak ko kasi pinalayas ako nung isa kong anak, pinalo-palo pa ako ng tungkod ko," paliwanag ng lolo saka siya pinasakay sa jeep.

Habang minamasdan daw ni Chris ang matanda ay di niya napigilang maluha.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Aminado raw siyang hindi siya perpektong anak at minsan ay nasasagot ang magulang ngunit hindi naman niya ito sinasaktan ng pisikal.

Hindi raw niya lubos maisip na sa edad ng lolo at sa itsura nitong hindi naman makakapanlaban ay magagawang paluin ng sarili pa nitong anak.

Maging ang mga netizens ay nahabag sa kalagayan ng lolo. Doble raw kasi ang pasakit na dinaranas nito dahil bukod sa krisis na dala ng COVID-19, napalayas pa siya ng isa niyang anak.

Dahil dito, hangad na lamang ng mga netizens na maayos itong nakarating sa kanyang paroroonan at hindi rin sana ito pagmalupitan ng pinuntahang anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng post:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel