Limang miyembro ng isang pamilya sa Laguna, naka-recover sa COVID-19

Limang miyembro ng isang pamilya sa Laguna, naka-recover sa COVID-19

- Hinangaan ang katapangang ipinakita ng pamilya Cortes na nalampasan ang matinding pagsubok ng kanilang buhay nang lahat sila'y magkaroon ng COVID-19

- Mula sa kanya, at sa kanyang ina, hanggang sa magkaroon na rin ang kanyang kapatid

- Maging ang kanyang ama at nag-iisang anak ay tinamaan din ng bagsik ng virus

- Ngayon, mas naging matatag ang kanilang pamilya lalo na ang nakabangon sila sa suliraning dala ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Limang miyembro ng isang pamilya sa Laguna, naka-recover sa COVID-19

Si Mae at ang kanyang ina nang ma-discharge mula sa ospital
Source: Facebook

Nakaka-inspire ang kwento ng pamilya ni Mae Cortes na pawang mga survivors ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na lahat sila sa kanyang pamilya na binubuo ng tatlong henerasyon ay nagkaroon ng coronavirus disease 2019.

Kwento ni Mae, nag-umpisa ito sa pagsama ng kanyang pakiramdam mula sa dalawang oras niyang biyahe mula sa Makati pauwi sa Laguna.

Maging ang kanyang ina na si Zeny ay di na rin mabuti ang pakiramdam kaya minabuti nilang magpatingin sa doktor.

Sa una'y inakala pa nilang dengue ang sakit ng ina dahil sa bumaba ang platelets count nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Niresetahan lamang sila noon ng gamot at saka pinauwi upang makapagpahinga.

Ngunit makalipas ang ilang araw, tila mas lumala ang kanilang kalagayan.

Doon nagpasya silang magpatingin muli sa doktor. Doon napag-alaman nilang nagpapakita na pala ng mga sintomas ang COVID-19 lalo sa kanyan ina na nanghihina na.

"Hirap na siyang huminga. And meron na siyang cough and colds. So lahat ng symptoms for a COVID-19 patient, na-experience niya, and umabot siya doon sa critical stage," pahayag ni Mae.

At dahil senior na ang kanilang ina, sinamahan na rin ito ng isa pang kapatid ni Mae upang mabantayan.

March 22, na-swab test silang mag-ina. March 27 nang lumabas ang resulta ng test ni Nanay Zeny na positibo nga noon sa COVID-19.

Dalawang araw ang lumipas, nakumpirma ni Mae na positibo rin siya sa virus.

Pinauwi na ang kanyang kapatid upang mag-home quarantine bilang na-expose siya sa isang COVID-19 patient.

Kalaunan, nagpositibo rin ito sa virus gayundin ang kanilang ama at maging ang nag-iisang anak ni Mae.

Laking pasalamat nila na bagaman umabot sa puntong naging kritikal ang buhay ng kanilang ina, mild case lang naman ang sa ama at anak ni Mae.

"So, three generations siya and lahat 'yun na experience naming ng mahirap pero magkakasama kami with God's grace," she added. " So, happy ako dahil na survive talaga namin itong COVID-19 as a family."

Matapos ang dagok na ito sa kanilang pamilya, naisipan pa rin niyang mag-donate ng kanyang plasma upang makatulong sa ibang COVID-19 patients.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kwento ng pamilya ni Mae na binahagi nila sa programang 'Survivors':

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel