Aba, matindi! Lalaking nahuli ng pulis, nakikain pa sa checkpoint

Aba, matindi! Lalaking nahuli ng pulis, nakikain pa sa checkpoint

- Tampok sa social media ngayon ang isang lalaki dahil sa kanyang kakaibang ginawa sa checkpoint

- Ayon sa netizen, nakikain pa ang lalaki sa checkpoint matapos nilang hulihin ng mga nagbabantay dito

- Agad namang pinaliwanag ng lalaki na sadyang mabait lang ang mga pulis kaya inalok siyang kumain ng mga ito

- Tawang-tawa naman ang mga netizens sa kakaibang trip ng lalaki kaya agad naging viral ito sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ngayon ang isang lalaki dahil sa kanyang naging kakaibang karanasan sa isang checkpoint matapos niyang mahuli.

Nalaman ng KAMI na matapos niyang mahuli ay nakikain pa ang lalaki kasama ang mga pulis sa checkpoint.

Aba, matindi! Lalaking nahuli ng pulis, nakikain pa sa checkpoint

Photo from Jemai Rebenque Ramirez
Source: Facebook

Sa Facebook post ng netizen na si Jemai Rebenque Ramirez, pinakita niya ang screenshot ng isang group chat. Dito makikita ang litrato kung saan mapapansing kumakain ang lalaki mag-isa sa gilid kung saan malapit kumakain ang mga nagbabantay ng checkpoint.

“Nahuli kami [sa] checkpoint. Pero matibay mukha ng kasama ko. Nakikain pa,” sabi ng nasa group chat.

Paliwanag naman ng lalaki sa comment section ay inalok lang daw siya ng mga bantay na kumain kasabay nila.

“Inaalok po ako! Inaalok po talaga ako! Promise!” sinabi niya.

“Napatyempo lang talaga ako sa mga mabubuting Pulis. Saludo aba. Todo pasalamat nga ako kanina e,” dagdag niya pa sa iba niyang comment.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang mga netizens ay tawang-tawa sa ginawa ng lalaki sa checkpoint. Basahin ang mga komento nila:

“Gutom na gutom besh? Hahahha ang kapal na ng batok mo hoy!”
“Humingi pa talaga ng extra rice ‘yan.”
“TIBAY MO TALAGANG UL****G KA!!!”

Sa sobrang viral ng post ay mayroon na itong 85,000 reactions at 92,000 shares sa Facebook.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel