18 miyembro ng pamilya, nagpositibo sa COVID-19 matapos na dumalo sa isang party

18 miyembro ng pamilya, nagpositibo sa COVID-19 matapos na dumalo sa isang party

- Nasa 18 miyembro ng isang pamilya sa Dallas, Texas USA ang tinamaan ng COVID-19 matapos na dumalo sa party ng isa rin nilang kaanak

- Kampante ang magkakaanak na magtipon-tipon kahit alam nilang laganap pa rin ang COVID-19

- Ilang araw matapos ang party unti-unti nang nagsisilabasan ang sintomas ng virus na halos pare-parehong iniinda ng magkakamag-anak

- Pinaniniwalaan nilang ang mismong host ng party ang siyang unang na-expose sa mayroong COVID-19 sa kanilang trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

18 miyembro ng pamilya, nagpositibo sa COVID-19 matapos na dumalo sa isang party

Isang pamilya sa Texas ang nagkahawa-hawa sa COVID-19 matapos na dumalo sa party ng isa nilang kaanak.

Nalaman ng KAMI na malapit lamang halos ang mga tahanan ng bawat extended family na ito kaya tila naging kampante sila na magtipon-tipon kahit patuloy pa rin ang paglaganap ng COVID-19.

Ayon sa Buzzfeed, 18 sa pamilyang ito ang pawang nagpositibo sa COVID-19 base sa panayam nila sa isang miyembro ng pamilya na si Ron Barbosa. Hindi dumalo si Ron ng naturang handaan kaya tila sinuwerte siyang hindi tinamaan ng virus

Ilang araw matapos ang dinner party, unti-unti nang naglalabasan ang sintomas ng COVID-19 sa magkakamag-anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pare-pareho ng iniinda ang mga nagkaroon ng virus tulad ng pag-ubo, pagdumi, pananakit ng katawan at mataas na lagnat.

Lalo na ang ang mga magulang ni Ron na sina Carole, 86-anyos at si Frank na 88-anyos ang siyang malubha ang kalagayan at agad na na-ospital.

Gayundin ang kanyang kapatid na mayroon pa namang breast cancer at kasalukuyan ding sumasailalim sa Chemotherapy ay nahawa rin.

Sunod-sunod na sa mga miyembro ng kanilang pamilya ang na-ospital habang ang ilan naman ay naka-home quarantine na.

Isa lamang ang pamilyang ito sa 73,000 na mga nagpositibo sa Texas pa lamang na bahagi ng Estados Unidos.

Base sa huling tala ng worldometers, umabot na sa 2,505,196 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mga pagtitipon tulad ng ginawa ng pamilyang Barbosa. Lagi nating isaisip na kahit ang mahal natin sa buhay ay maari pa ring makahawa sa atin ng virus kung hindi tayo nag-iingat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel