Isang frontliner, masaya nang mabigyan ng libreng bike para makapasok sa ospital

Isang frontliner, masaya nang mabigyan ng libreng bike para makapasok sa ospital

- Nakatanggap ang isang medical frontliner ng libreng bike para sa kanyang pagpasok sa ospital

- Araw-araw niya kasing nilalakad ang pagpasok at pag-uwi sa bahay kaya late na ito nakakauwi

- Noong Mayo rin ay nahawaan siya ng COVID-19 pero agad din siyang sumabak muli sa trabaho nang gumaling siya

- Samantala, labis naman ang tuwa ng netizens sa kabaitan ni Don Ramon Bagatsing at mga kaibigan nito para sa libreng bike

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang medical frontliner ang nabiyayaan ng libreng bisikleta ngayong may krisis pa rin ng COVID-19 sa bansa at naka-general community quarantine pa rin ang Metro Manila.

Nalaman ng KAMI na ang nasabing frontliner ay nagpositibo na noong Mayo sa COVID-19 pero gumaling din ito at agad bumalik sa trabaho.

Isang frontliner, masaya nang mabigyan ng libreng bike para makapasok sa ospital

Ayon sa Facebook post ni Don Ramon Bagatsing, si Edgar Suagao ay isang 54 anyos na taga-Paco at may tatlong anak. Siya ay nagtatrabaho sa dietary department ng Ospital ng Maynila.

Dahil siya ay na-expose sa mga pasyenteng may COVID-19, nahawaan din siya nito. Noong gumaling siya matapos ang 14 na araw ng isolation ay agad siyang sumabak muli sa trabaho.

Ngayong mahirap mag-commute dahil sa limitadong mass transportation, nilalakad niya araw-araw ang pagpasok sa Ospital ng Maynila. Alas-5 pa lang ng umaga ay umaalis na siya ng bahay para makaabot sa time in niyang 6:30 ng umaga. Matapos naman ang out niya ng 6:30 ng gabi ay bandang alas-9 na siya nakakauwi sa bahay.

Kaya naman dahil sa kabaitan ni Bagatsing at ng mga kaibigan niya, nabigyan ng libreng bike si Kuya Edgar.

“Sa tulong ng mga kaibigan, binigyan natin si Edgar ng isang bike, para pwede na siyang makauwi nang mas maaga at makapag bonding sa mga anak nya,” sabi nito sa Facebook post niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, maraming mga netizens naman ang natuwa sa kabaitan ni Bagatsing at sa dedikasyon sa trabaho ni Kuya Edgar. Narito naman ang kanilang mga komento sa Facebook:

“Your dedication and passion is amazing! Stay safe kuya,may God bless and protect you always.”
“Thank you for your dedication to your job. May God continue to bless and protect you and your loved ones. God bless Don Ramon Bagatsing!”
“Salute to you bossing for your dedication and sacrifice...praying that ull not be again infected. Keep safe boss”
“Salute to the heroes who sacrifice their own health and safety for the welfare of others. Mabuhay kayo.”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel