Juan Ponce Enrile, binatikos ang singer na si Lea Salonga at tinawag itong ‘bastos’

Juan Ponce Enrile, binatikos ang singer na si Lea Salonga at tinawag itong ‘bastos’

- Naglabas ng saloobin si dating senador Juan Ponce Enrile ukol sa naging post ng singer na si Lea Salonga

- Para kay Enrile, naging “bastos” daw si Salonga nang magmura ito sa kanyang post na naging kontrobersyal

- Kamakailan ay nag-post si Salonga sa kanyang Facebook account at napamura ito dahil mahirap daw mahalin ang Pilipinas

- Agad namang humingi ng paumanhin ang singer at nagpaliwanag kung ano ba talaga ang intension niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kamakailan ay naging kontrobersyal ang naging pahayag sa social media ng singer at aktres na si Lea Salonga.

Nalaman ng KAMI na ang dating senador na si Juan Ponce Enrile ay may matatapang na salita laban sa sikat na singer.

Ayon sa YouTube video na ibinahagi ng SMNI News Channel, nakapanayam ng radio hosts na si Admar Vilano at Jess Aranza sa DZOR Sonshine Radio si Enrile.

Naunang sinabi ni Aranza na “bastos” si Salonga at agad naman itong sinuportahan ni Enrile. Maririnig na tinawag ng dating senador na “bastos” si Salonga.

“Bastos. Anong malay naman niyang Lea Salonga na yan kung hindi ang kumanta lang,” sabi ni Enrile.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naunang naibalita ng KAMI na sa isang social media post ni Salonga ay napamura na lang siya dahil sobrang hirap daw mahalin ng Pilipinas at naging viral ito.

Naglabas naman ng pahayag si Salonga ukol sa kanyang viral post at sinabing hindi niya intension saktan ang sinuman.

Si Juan Ponce Enrile ay isang 96 anyos na mambabatas noon. Isa siya sa mga tanyag na tao noong panahon ng 1986 People Power Revolution. Naging senador din siya at naging Senate President noong 1987.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel