Super Tekla, emosyonal habang isinasalaysay ang kalagayan ng bagong silang na anak

Super Tekla, emosyonal habang isinasalaysay ang kalagayan ng bagong silang na anak

- Hindi napigilang maiyak ni Super Tekla habang ikinikwento ang kalagayan ng kanyang bagong silang na anak

- Napakasakit daw para sa isang amang tulad niya na malamang may karamdaman agad ang kanyang anak na three-day-old pa lamang

- Kailangan daw na ma-operahan sa lalong madaling panahon ang kanyang baby na si Angelo

- Aminadong kailangan niya ng tulong pinansyal sa ngayon kaya naman nagpapasalamat na agad siya sa mga taong may mabuting kalooban na handang tumulong sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal ang Kapuso comedian na si Super Tekla habang ikinikwento ang kalagayan ng kanyang bagong silang na anak na si "Baby Angelo."

Nalaman ng KAMI na labis ang saya ng pamilya ni Super Tekla o si Romeo Librada sa totoong buhay nang dumating sa buhay nila si Baby Angelo sa kabila ng pandemyang hinaharap ngayon ng mundo.

Subalit labis naman nilang ikinagulat na ang three-day-old baby nila ay kinakailangang operahan.

Sa panayam ni Nelson Canlas ng 24 Oras kay Super Tekla, hindi nito mapigilang maiyak nang sabihin niyang may anorectal malformation ang kanyang baby na maari raw maging mitsa ng buhay nito.

Dahil sa kanyang kalagayan, nararapat na maoperahan sa lalong madaling panahon ni Baby Angelo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Subalit aminado si Super Tekla na pinanghihinaan siya ng loob sa pagsubok na ito na sumabay pa sa krisis na dala ng COVID-19.

"Sabi ko, ganoon talaga, that's life. Kung there's a big, big plan si God, kung will ng God na ibigay niya sa akin," aniya. "So ganoon po kabigat ang aking... Pero never po akong mawawalan ng pag-asa."

Kung iba nga lang daw ang sitwasyon ngayon, maaring hindi ganoon kabigat ang pagdadala nila sa sitwasyon.

"Sabi ko, 'Bro, grabe ka naman, dito mo pa talaga binigay itong ganitong situation na wala akong kalaban-laban kundi ang humagulgol at maglumpasay,"

"Talagang lahat siguro susuyurin ko, pero wala kang masusuyod. This moment, wala ka talagang masusuyod eh," dagdag ng komedyante.

Noon pa man ay hindi raw pala hingi ng tulong o hindi sanay na umaasa sa iba si Super Tekla ngunit sa pagkakataong ito na buhay na ng kanyang anak ang nakataya, tatalikuran niya muna ang kanyang pride.

Nagpapasalamat na siya sa lahat ng may mabubuting kalooban at nagmamalasakit sa kanya at sa kanyang anak upang madugtungan pa ang buhay nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Super Tekla ang isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel