Bumawi! Video ng "maayos" na trabaho ng J&T Express, may 3.4 million views na

Bumawi! Video ng "maayos" na trabaho ng J&T Express, may 3.4 million views na

- Viral ngayon ang video ng ilang trabahador ng J&T Express na dahan-dahan nang inaayos ang mga parcel na kanilang ide-deilver pa lamang

- Umabot na sa mahigit 3.4 million ang views nito na dapat daw pamarisan ng iba pang empleyado ng mga courier services

- Ito ay matapos na mag-viral ang video ng ilan ding mga empleyado nilang tinatapong parang basura ang mga parcel papasok sa delivery truck

- Naglabas na ng pahayag ang kompanya ukol dito at sisiguraduhin daw nilang mananagot ang mga empleyado nilang hindi maayos na ginagawa ang nakaatang na trabaho sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang video ng mga empleyado ng J&T Express ang nag-viral. Taliwas ito sa unang video na kumalat kung saan labis na nabahala ang mga netizens dahil parang mga basurang itinatapos lamang ang mga parcel sa loob ng delivery truck.

Binahagi ito ng Facebook page na TOTOY N3GGA kung saan dahan-dahan at maayos na ipinapasa ng mga trabahador ng courier service ang mga package papasok ng truck.

Maingat at isa-isa nila itong ipinapasa sa kanilang kasama.

Kapansin-pansin ding maayos ang pagkakalatag ng mga parcel na malayong-malayo ang itsura sa naunang kumalat na video.

Kahit mukhang sinadya na bagalan ang pag-aayos ng parcel, para sa mga netizens, mas mainam pa rin daw na ganito ang gawin ng courier service masiguro lamang na maayos at buo pa ring makakarating ang mga packages sa kanilang mga customers.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Yan dapat ganyan kahit mukhang katawa-tawa. Ayusin ang trabaho kasi mga online sellers ang nasisisi"
"Mukhang joke pero kung maayos na makakarating yung package namin dahil ganyan kayo kabagal, mas ok yan"
"O sige na, maingat at maayos na kayo sa part na yan, basta walang damage ang padala"
"Wow! e kung ganyan naman kayo kabagal baka yung 3-5 days expected delivery maging 7-14 days, well basta maayos"
"Ok na to kesa yung sa tinatapon, basura lang mga kuya? next time ingatan niyo na talaga, kompanya niyo nakasalalay sa ginagawa ng mga empleyado.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ang video na labis na ikinabahala ng mga netizens lalo na at kadalasan tayo ngayong umaasa sa mga delivery services bilang pag-iingat sa sa COVID-19.

Naglabas na ng pahayag ang J&T Express ukol dito at sisiguraduhin nilang mananagot ang mga empleyado nilang hindi inaayos ang nakaatang sa kanilang trabaho.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel