Mga kumasa sa "Binibining Marikit Challenge", kinagiliwan ng netizens

Mga kumasa sa "Binibining Marikit Challenge", kinagiliwan ng netizens

- Marami ang naaliw sa videos ng mga kumasa sa "Binibining Marikit Challenge"

- Kanya-kanya kasing mga bersyon ang napanood nila mula sa TikTok kung saan ang ilan ay naging 'bonding moments' pa ng kanilang pamilya

- Ang iba naman, nagsilbing pang-aliw ng mga OFW na nasa ibang bansa upang maibsan ang kanilang lumbay sa pagkakawalay sa kanilang pamilya

- Mayroon din naman na ginawa itong surpresa para sa kanyang mister nitong nakaraang Father's Day

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-atensyon ngayon sa social media ang mga videos ng mga kumasa sa "Binibining Marikit Challenge" na kinagiliwan ng husto ng mga netizens.

Nalaman ng KAMI na patok na patok ito ngayon sa TikTok kung saan naglabasan ang iba't ibang bersyon nito na nagbibigay ng 'good vibes' sa mga manonood.

Ang ilang sa mga dance covers ay nagmistulang bonding moment ng magkapatid o mag-ama.

Tulad na lamang nina Dennis at Christian Hong na mula San Pedro Laguna.

Sila ang nag-viral na mag-amang todo hataw sa pagsayaw ng "Binibining Marikit."

Hindi nagpahuli si Tatay Dennis sa kanyang anak pagdating sa paggiling at pagsasayaw dahil dati na pala siyang professional dancer.

At kahit ngayong may edad na, hindi pa rin nawawala sa kanyang sistema ang pagsayaw.

Isa rin naman ang "sweet wifey" ng Quezon na si Ella Mae Merilloza na ginawang "pang-regalo" nitong katatapos lamang na Father's Day ang kanyang version ng "Binibining Marikit" para sa kanyang pinakamamahal na asawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maging ang tinaguriang si "Pandemic girl" ay may kakaiba at nakakaaliw na bersyon ng latest dance craze.

Ayon kay Maricon Panizales, paulit-ulit daw ang steps kaya naisipan niyang samahan ng 'cartwheel' ang sayaw.

Ito ang nagsisilbing pang-alis lungkot ni Maricon na isang OFW sa Abu Dhabi lalo na at malayo siya sa pamilya niyang nasa Pilipinas.

Maalalang si Maricon din ang minsan nang nai-ulat ng KAMI dahil naaliw ang bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda dahil sa kakaiba rin nitong bersyon ng "Bagsakan."

Tunay na likas na masayahin ang mga Pilipino. Kahit na dumaraan tayo sa iba't ibang pagsubok lalo na at dumaranas parin tayo ng krisis dala ng pandemya, nakahahanap pa rin tayo ng mga bagay na makapagbibigay saya sa atin sa araw-araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel