One-day-old baby sa Laguna, agad na binawian ng buhay dahil sa COVID-19

One-day-old baby sa Laguna, agad na binawian ng buhay dahil sa COVID-19

- Isang one-day-old na sanggol sa Laguna ang agad na pumanaw dahil sa COVID-19

- Pagka-silang pa lamang dito ng kanyang ina, agad na kiinakitaan ng sintomas ng COVID-19 ang sanggol

- Agad siyang dinala sa opital upang masuri gayung sa lying-in clinic nanganak ang kanyang ina

- Sa araw na dinala ito sa pagamutan, noon din ito binawian ng buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog ng puso ang sinapit ng bagong panganak na sanggol sa Laguna na agad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na one-day-old pa lamang ang baby boy na ito na mula sa Barangay Sinalhan.

Base sa ulat ng Go Laguna, siya ang patient 81 ng probinsya at pinakabagong naitala na pumanaw dahil sa virus.

Pagka-panganak sa sanggol ay agad na kinakitaan daw ito ng sintomas ng COVID-19.

Kaya naman mula sa lying-in clinic kung saan siya ipinanganak, dinala siya sa ospital upang masuri.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Hunyo 17 nang matingnan ang sanggol at ito rin ang araw na binawian siya ng buhay.

Sa huling ulat ng Pamahalaang Panlungsod ng Santa Rosa, 81 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Higit kalahati o 46 ang mga naka-recover ngunit may apat na pumanaw dahil sa virus kasama na ang pinakabatang pasyenteng ito.

Ayon sa huling datos ng Department of Health, umabot na sa 31,825 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel