DOH, nagbabala ukol sa 'tuob' na pinaniniwalaang panlaban sa COVID-19

DOH, nagbabala ukol sa 'tuob' na pinaniniwalaang panlaban sa COVID-19

- Nagbigay ng babala ang Department of Health ukol sa steam inhalation o "tuob" na pinaniniwalaan ng iba na panlaban sa COVID-19

- Ayon sa DOH, hindi nakagagaling ng COVID-19 ang tuob at wala pang siyentipikong pag-aaral na nakakapagpatunay nito

- Kamakailan lang ay naglabas ng isang memorandum ang provincial government ng Cebu City na nag-uutos na mag-tuob ang mga empleyado nito dalawang beses kada araw sa kanilang work stations

- Ayon sa isang doktor at hydrotherapy advocate, makakatulong umano ang steam inhalation sa paglaban sa nakamamatay na virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay ng babala sa publiko ang Department of Health ukol sa steam inhalation o "tuob" na pinaniniwalaan ng iba na panlaban sa COVID-19.

Sa isang statement sa kanilang official Facebook page, sinabi ng DOH na hindi nakagagaling ng COVID-19 ang tuob at wala pang siyentipikong pag-aaral na nakakapagpatunay nito.

May posibilidad daw kasi na masama sa singaw o aerosolization ang virus na maaaring pagmulan ng pagkalat ng sakit.

Narito ang kabuuan ng pahayag ng DOH:

"BABALA SA PUBLIKO TUNGKOL SA STEAM INHALATION O TUOB:

"Ang steam inhalation o paglanghap ng steam na may asin, lemon, atbp. ay hindi nakakapatay ng COVID-19 virus at hindi kabilang sa pamamaraan upang maiwasan ang COVID-19. Maging ang CDC at WHO ay mariing pinabubulaanan na ang steam inhalation ay nakagagaling ng COVID-19. Wala pang siyentipikong pag-aaral sa ngayon ang nakakapagpatunay nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"May posibilidad na mapasama ang virus sa singaw (aerosolization), na maaaring pagmulan ng pagkalat ng sakit. Ang steam inhalation ay nagpaparami ng secretions (likido) sa ilong na posibleng makahawa sa iba sa pamamagitan ng pagbahing o pag-ubo. Maaari rin itong magdulot ng aksidente gaya ng pagkasunog at pagkalapnos ng balat."

Samantala, sa isang report ng Inquirer noong June 24, 2020 (Reporter, Ador Vincent Mayol), naglabas ng isang memorandum ang provincial government ng Cebu City na nag-uutos na mag-tuob ang mga empleyado at mga department heads nito dalawang beses kada araw sa kanilang work stations.

Ang Provincial Administrator na si Noli Vincent Valencia ang siyang naglabas ng nasabing memorandum dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa lugar.

Maging si Gov. Gwendolyn Garcia ay hinikayat din ang kanyang mga empleyado na gumamit ng traditional medicine at inendorso ang tuob bilang health regimen para raw mapalakas ang immune system ng mga ito at malabanan ang novel coronavirus.

Ayon naman kay Dr. Dale Pasco, isang hydrotherapy advocate, maaaring makatulong ang tuob para mag-multiply ang white blood cells para mapagaan ang kondisyon ng isang pasyente.

"When the virus enters the nose or mouth, we still have four to five days to fight it. This is where steam inhalation plays a very important role in this phase. Let us not wait for it to reach the lungs," anito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyan ay nakailalim sa strict lockdown ang Cebu dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus sa Cebu City.

Hanggang noong Miyerkules, nakapagtala na ang siyudad ng 4,479 COVID-19 cases, 89 deaths at 2,177 recoveries.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel