Netizen, nagbabala ukol sa pagbubukas ng biskwit gamit ang bibig

Netizen, nagbabala ukol sa pagbubukas ng biskwit gamit ang bibig

- Nagbigay ng babala ang isang netizen sa publiko sa pamamagitan ng social media ukol sa pagbubukas ng biskwit o kahit na anong pagkain gamit ang bibig o ngipin

- Ito ay matapos malagay sa peligro at mapahamak ang kanyang ina dahil dito

- Ayon sa Facebook post ng netizen, hindi sinasadyang nahigop ng ina ang napunit na bahagi ng plastic wrapper at napunta sa baga nito

- Mabilis na nag-viral ang post nito at marami ring netizens ang 'di naiwasang mabahala dahil dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamagitan ng social media ay nagbigay ng babala ang isang natizen ukol sa pagbubukas ng biskwit o kahit na anong pagkain gamit ang bibig o ngipin.

Ito ay matapos mapahamak at malagay sa panganib ang kanyang ina nang 'di sinasadyang mahigop nito ang bahagi ng plastic wrapper ng binuksang Skyflakes.

Noon lamang daw Pebrero nang mangyari ang aksidente ayon kay Joy Diaz Austero. Sinubukan daw na iluwa ng ina ang nalunok na plastic ngunit nabigo ito.

"FEB. 23 nang magbukas si nanay ng isang skyflakes gamit bibig nya, nang biglang parang nahigop nya un. Naubo sya, pinilit nyang ilabas kasi nahirapan sya makahinga, matagal din syang inubo pero di nya nailuwa ung plastic," anito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito ay dinala na nila sa ospital ang ina para matignan ng doktor.

"Hindi ko alam ung exact na ginawa kay nanay pero sinilip ung lalamunan nya but they got nothing. Nakita lang ung sugat at punit sa lalamunan nya. But the Doctor told us na obserbahan si Nanay if mahirapan makahinga," sabi ni Austero.

Matapos ang isang linggo nang bigla na lang daw mahirapan huminga ang ina na parang hinihika kaya naman dinala na nila ulit ito sa ospital kung saan sumailalim ito sa bronchoscopy.

Dito na nakuha ang piraso ng plastic na napunta pala sa kanang bahagi ng baga ng ginang.

Nagpapasalamat naman si Austero sa mga taong nag-alala sa ina at sa mga doktor na tumingin sa ina.

Mabilis na nag-viral ang post nito at marami ring netizens ang 'di naiwasang mabahala dahil dito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel