Isang grupo ng mga kababaihan, namigay ng libreng pagkain sa mga nangangailangan

Isang grupo ng mga kababaihan, namigay ng libreng pagkain sa mga nangangailangan

- Tampok sa social media ngayon ang isang grupo ng mga kababaihan dahil sa kanilang kabaitan

- Sa isang post, makikitang namimigay ng pagkain ang mga ito sa mga taong nasa lansangan

- Naniniwala ang grupo nito na ang lahat ng tao ay may kakayahan na tumulong sa kapwa

- Maging ang mga netizens ay natuwa sa kabaitan ng mga kababaihan na ito lalo na ngayong may krisis sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang grupo ng mga kababaihan ang nagpamalas ng kanilang kabaitan sa mga nangangailangan ngayon.

Nalaman ng KAMI na namigay ng libreng pagkain ang mga ito sa mga taong nasa lansangan.

Ayon sa Facebook post ng Balitang SJDM, naniniwala ang grupo na ito na lahat ng tao ay may kakayahang tumulong sa kapwa nila.

"All of us has the ability to spread some happiness towards others,” sabi sa post.

Makikita nga sa mga litrato na maraming tao ang natulungan ng mga kababaihang ito. Kalimitan nga sa mga nakatanggap ng libreng pagkain ay ang mga nasa lansangan at namamalimos.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, maging ang mga netizens ay natuwa sa pagmamalasakit ng mga kababaihan sa mga nangangailangan. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Yan po ang mga totoong tao”
“Yey salute kami sainyu ate!”
“Sila yung mga taong binabalewala ng marami...salamat may mga katulad nyo na nagpahalaga sa kanila..nabigyang pansin ang tulad nila.”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel