Isang lalaking nagnakaw ng motor, kinarma nang mahuli matapos maaksidente
- Arestado ang isang lalaki matapos nitong masangkot sa isang aksidente sa Brgy. San Jose, Rizal
- Inaresto siya dahil ang motorsiklong gamit ito ay na-report na nanakaw sa San Jose Del Monte
- Giit ng may-ari ng motorsiklo, naka-park ang kanyang motor sa subdivision at biglang nawala ito
- Nahuli na ang suspek at ang isa pang kasabwat nito at ngayon ay nakakulong na sila at may hinaharap na kasong carnapping
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Inaresto ang isang lalaki matapos nitong magnakaw umano ng motorsiklo sa San Jose Del Monte, Bulacan (SJDM).
Nalaman ng KAMI na nahuli ang suspek matapos nitong masangkot sa isang aksidente sa Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.
Ayon sa ulat ng Remate, kinilala ang suspek na si Benjamin Alvarez, 21 anyos, isang construction worker at residente ng Brgy. San Jose.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Base sa report ni SJDM acting chief of police Lt. Col. Gil Domingo, isang caretaker na si Ethel Lozada ang nagreport sa istasyon ng pulis na nawawala ang motorsiklo niyang MIO 125 na nakaparada sa isang subdivision bandang 12:05 ng madaling araw.
Sabi ni P/SSg Wenefredo Dalagan, Jr., nireport nila agad ito sa Highway Patrol Group at nangalap ang mga ito ng CCTV sa lugar.
Sa imbestigasyon, nalaman ng awtoridad na ang motor na tinutukoy ng caretaker ay nasangkot sa isang aksidente sa Brgy. San Jose, Rodriguez. Kaya naman, agad nagsagawa ang mga ito ng follow-up operation.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narekober naman sa nasabing lugar ang motorsiklo at agad na ring inaresto ang suspek.
Bukod pa rito ay nahuli rin nitong Miyerkoles sa follow-up operation ang kasabwat ng suspek na si Rowie Perez, 26 anyos, isang sound system crew sa Graceville, SJDM.
Kasalukuyang nasa himpilan ng pulisya sa SJDM ang mga suspek ngayon at sila ay sinampahan ng kasong carnapping.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh