‘Tutulo talaga luha mo’: Tsuper, emosyonal nang walang mapakain sa mga anak at apo

‘Tutulo talaga luha mo’: Tsuper, emosyonal nang walang mapakain sa mga anak at apo

- Hindi napigilan maging emosyonal ng isang jeepney driver dahil sa tindi ng kahirapan na nararanasan nila ng pamilya niya ngayon

- Kwento niya, isang beses sa isang araw na lang sila kumakain ngayon at lugaw pa ito

- Mahirap umano para sa kanya makitang nahihirapan ang mga anak at apo niya ngayon

- Kaya naman panawagan niya, payagan na muna silang pumasada habang inaayos pa ang pagmomodernize ng kanilang jeep

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang jeepney drayber ang nagbahagi ng kanyang karanasan ngayong may community quarantine pa rin sa Laguna at hindi pa rin sila pinapayagang magbalik pasada.

Nalaman ng KAMI na sa loob nang 35 na taon niyang pagiging tsuper ay ngayon lang siya naiyak dahil sa tindi ng kahirapan.

Sa ulat ng ABS-CBN News, nanawagan si tatay Domingo Belarmino na payagan na sana silang pumasada ulit dahil wala na silang makain ng pamilya niya.

Kwento niya, isang beses na lang daw sa isang araw sila kumain. Iniisip din niya ang kapakanan ng 2 anak at 6 na mga apo niya.

"Sa isang araw, isang beses na lang kumain, lugaw pa, minsan talaga tutulo ang luha mo kasi makikita mo mga anak mo, apo mo, wala,” kwento niya.

“Anong gagawin sa amin, mamamatay kaming ganito?" dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon naman sa president ng isang samahan ng mga jeepney drivers sa Sta. Rosa, Laguna, nasa 500 na tsuper na ang umaalma sa kahirapan at dumadaing ng gutom ngayon.

Kasalukuyang nasa general community quarantine ang Laguna. Kaya naman, tanging mga modernized jeep lang ang pinapayagang pumasada.

Sabi naman ni Sta. Rosa City Mayor Arlene Arcillas, tinutulungan ng lokal na pamahalaan makakuha ng modern jeep ang mga tsuper. Subalit, hindi nila kayang maibigay ito ng libre.

"May loan sila talaga, they are really trying to modernized their jeep, tutulungan ko sila mapalabas 'yung loan, may naka-reserve na silang units, hindi na kakayanin ng city na libre," aniya.

Panawagan naman ng mga tsuper, payagan na muna silang pumasada habang inaayos pa ang proseso para sa kanilang modern jeep.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel