YouTube vlogger, buking ni orig na may kabit dahil sa kanyang vlogs

YouTube vlogger, buking ni orig na may kabit dahil sa kanyang vlogs

- Matapang na idinulog ng isang dating OFW ang kanyang reklamo laban sa kanyang mister na bigla na lamang daw nanlamig sa kanya

- Ang matindi pa rito, nabuking ni misis na may iba na palang babae si mister matapos mapanood ang vlog nito

- Depensa pa ni mister, matagal na raw niyang gustong hiwalayan si misis na napilitan lamang daw siyang pakasalan

- Kaya naman si misis, desidido nang ipakulong si mister kapag hindi raw nito tinigilan ang relasyon sa kabit nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa programa na nauwi ang hinaing ng dating overseas Filipino worker (OFW) na si Alma Piñero laban sa kanyang salawahang mister.

Reklamo ni Alma, hindi na raw nagparamdam sa kanya ang mister na si Elmar Piñero simula nang umuwi siya sa bansa noong 2018.

Tumatawag naman daw ito sa kanila ng kanilang anak at nagpapadala ng sustento dahil nasa malayo raw ito naka-assign bilang isang graphic artist.

Pero nabuking ni Alma na may iba na palang babae si mister matapos mapanood ang mga vlogs nito sa YouTube kung saan kasama nito ang babae.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi naman na itinanggi ni Elmar ang mga pahayag ni Alma pero iginiit nito na hiwalay na sila ng babae. Pero si misis, hindi naniwala sa sinabi nito lalo pa at nakausap pa raw niya ito kamakailan lang.

Depensa pa ni mister, matagal na raw niyang gustong hiwalayan si misis na napilitan lamang daw siyang pakasalan noon dahil sa pressure sa pamilya ng babae.

Itinanggi naman ito ni Alma at sinabing desisyon nilang dalawa ang pagpapakasal. Hindi rin daw sila naghiwalay ng mister kahit kailan.

Kaya naman, desidido si misis na sampahan ng kaso si mister at ang kabit nito kapag hindi pa tinigilan ang kanilang relasyon.

Nakatakda naman silang magharap sa barangay upang pag-usapan ang kanilang isyu.

Samantala, ayon naman sa mga netizens naka-private na ang mga vlogs ni Elmar sa YouTube.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang report ng KAMI, isa namang misis ang inireklamo ng kanyang mister na OFW sa programa ni Raffy Tulfo matapos mabuntis ni kumpare! Pero ang mga netizens, kumampi pa kay misis!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang Filipino broadcast journalist na kinikilala ng marami dahil sa kanyang pagtulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng kanyang programa.

Kapatid nito sina Ramon, Ben at Erwin Tulfo na kilala rin sa larangan ng broadcasting.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel