Order ng 1 netizen na idineliver ng J&T Express, viral na sa socmed

Order ng 1 netizen na idineliver ng J&T Express, viral na sa socmed

- Umabot na nga sa libo-libong shares at reactions sa social media ang post ng isang netizen tungkol sa kanyang order na idineliver ng J&T Express

- Ilang larawan din ang ibinahagi nito kung saan makikitang nabasag ang kanyang in-order

- Nauna nang nag-viral ang courier company matapos mag-viral ang ilang video sangkot ang ilang empleyado nito

- Isang pahayag naman ang inilabas ng kompanya matapos nito at sinabing mananagot ang lahat ng mga nakilala nang empleyado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mabilis na nag-viral sa social media ang post ng netizen na si Paolo Pangan tungkol sa kanyang in-order online.

Sa nasabing post ipinakita nito ang nabasag na order katabi ang plastic na may pangalan ng J&T Express.

"Di ko makita sa manual paano i-assemble ang glass. Salamat pa rin sa fast delivery," ayon sa Facebook caption ni Pangan.

Nauna nang nag-viral ang courier company matapos mag-viral ang mga video at larawan sangkot ang ilang empleyado nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa mga nasabing video, mapapanood ang walang pag-iingat at "bara-barang" pag-so-sort ng mga parcels na ipinagkatiwala sa kanilang kompanya, na una nang naiulat ng KAMI.

Dahil dito, binatikos ng maraming netizens ang insidente na mabilis ngang kumalat sa social media.

Karamihan sa mga ito ay mga customers ng mga online shops o kaya naman ay mga online sellers na tumangkilik sa courier company.

Sa isang statement, sinabi ng J&T Express na "isolated case" lamang ang nasa video at nangakong mananagot ang lahat ng mga sangkot sa video.

"We have already identified all the involved personnel in the video. Proper sanctions will be given to them accordingly," saad nito.

Ang J&T Express ay isang Hong Kong-invested logistics company na nag-o-operate sa Southeast Asia region.

Nagsimula ito noong 2015 at ngayon ay tumatakbo na sa mga bansang Indonesia, Vietnam, Malaysia, Thailand, Philippines, Singapore at Cambodia.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel