Laglagan na! Kasamahan ni Quiboloy, inamin ang pagsisinungaling para protektahan ang pastor

Laglagan na! Kasamahan ni Quiboloy, inamin ang pagsisinungaling para protektahan ang pastor

- Nagsalita na ang manager ng Kingdom of Jesus Christ Church na si Felina Salinas ukol sa cash smuggling na kinasangkutan niya

- Paliwanag niya, nagsinungaling siya noon na sa kanya ang maletang may malaking halaga ng pera para protektahan si Pastor Apollo Quiboloy

- Matapos ang imbestigasyon ay napatunayang kay Quiboloy mismo ang maletang may laman na $350,000

- Nagsimula ang kasong ito noong 2018 at may natagpuang maleta na maraming pera sa pribadong eroplano na sinakyan ni Quiboloy pauwi ng Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang dalawang taon, inamin na ni Felina Salinas, ang manager ng Kingdom of Jesus Christ Church na ang kanyang naging unang pahayag ay hindi totoo.

Nalaman ng KAMI na nagkaroon na ng plea deal si Salinas at ang mga prosecutor kaugnay sa cash smuggling charges na sinampa sa kanya.

Ayon sa ulat ng Hawaii News Now, umapela si Salinas na guilty siya sa pagbibigay ng maling pahayag o false statement, imbis na sabihing guilty siya sa nasabing cash smuggling.

Aniya, nagsinungaling siyang kanya ang maletang may lamang higit $350,000 sa private jet na sinasakyan ni Pastor Apollo Quiboloy noong 2018 upang protektahan ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Laglagan na! Kasamahan ni Quiboloy, inamin ang pagsisinungaling para protektahan ang pastor

Larawan mula sa Hawaii News Now
Source: Facebook

Noong Marso ay inaresto si Salinas matapos sabihin ng mga taga-customs na hindi sinabi nito na may malaking halaga pala ng pera at ilang parte ng baril sa eroplanong sinasakyan ni Quiboloy pabalik ng Pilipinas.

Subalit matapos ang imbestigasyon ay napatunayang kay Quiboloy talaga ang maletang ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nabalita naman ng KAMI noon na ang simbahan ni Pastor Quiboloy sa Los Angeles ay sinalakay ng Federal Bureau of Investigation (FBI) at tatlong administrador nito ang inaresto.

Si Pastor Apollo Quiboloy ay ang founder at lider ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name. Siya ay isa sa mga malapit na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel