COVID-19, matatapos sa Disyembre ayon sa artificial intelligence ng Singapore

COVID-19, matatapos sa Disyembre ayon sa artificial intelligence ng Singapore

- Isang Artificial Intelligence technology ang nabuo ng Singapore University of Technology and Design

- Kaya raw nitong magsabi kung kailan maaring matapos ang COVID-19 sa isang bansa

- Tulad na lamang sa Pilipinas, sinasabing nalalapit na ito base sa datos mula sa Our World in Data

- Sinasabing may 97-100% ang accuracy nito dahil sa mga pinagbasehan nito sa bawat sitwasyon ng COVID-19 sa bawat bansa

- Base rin sa kanilang kalkulasyon, tuluyang matatapos ang pandemya sa Disyembre ngayong taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan ang artificial intelligence (AI) na nabuo sa Singapore University of Technology and Design (SUTD) na mayroon di umanong kakayanang magsabi kung kailan maaring matapos ang paglaganap ng COVID-19 sa isang bansa.

Nalaman ng KAMI na ang AI na ito ay kumukuha ng datos mula sa Our World in Data.

Ayon sa ulat ni Trixie Zabal-Mendoza ng Esquire, mula sa impormasyon tulad ng total confirmed cases, total deaths, new confirmed cases, new deaths at population data, makakalkula na ng SUTD ang AI algorithm na gagamitin upang makalkula at maibigay ang posibleng araw kung kailan matatapos ang pagkalat ng virus sa isang bansa.

Dagdag pa ng BioTechniques, araw-araw ay naa-update ang datos kung saan nakalatag ito at makikita bilang isang bar chart.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Gamit ang chart na ito, makikita rin kung saang phase na tayo ng pandemya. Kung tayo ba ay nakaabot na sa "peak of the curve" at maging ang "acceleration and deacceleration" phases nito.

Dito rin makikita ang petsa na naibigay ng AI kung kailang maaring matuldukan ang COVID sa isang bansa.

Tulad na lamang ng bansang Pilipinas na sinasabing posibleng makabangon sa pandemya pagpatak ng Hulyo.

Sa kabuuan, sinasabing Disyembre ng kasalukuyang taon makakabangon ang mundo sa bagsik ng pandemyang ito.

"The calculations show that COVID-19 will 100% end across the world on December 8," base sa DNA India.

Artificial Intelligence mula SG, nasasabi kung kailan matatapos ang COVID-19 sa isang bansa
source: biotechniques.com
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi naman ito nalalayo sa datos at projection na nailalabas sa atin maging ng mga eksperto dito sa Pilipinas.

Accurate man o hindi, mas mabuting isaisip pa rin ang ibayong pag-iingat upang tuluyan nang mawala ang COVID-19 sa buong mundo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica