Batang walang gadget at internet, sa ‘Pisonet’ comp shop nalang nagbakasakaling mag-enroll

Batang walang gadget at internet, sa ‘Pisonet’ comp shop nalang nagbakasakaling mag-enroll

- Ibinahagi ng isang netizen ang kanyang kakaibang karanasan nang makita ang isang bata sa “Pisonet Shop”

- Aniya, ang bata ay nagsasagot ng form para makapag-enroll sa darating na katapusan

- Base sa mga impormasyong nilagay niya, wala siyang pang-Internet at gadget para makapag-aral sa bahay

- Kaya naman, nagtulong-tulong ang mga netizens upang mabigay ang kailangan ng bata para sa pag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang bata ang pumukaw sa damdamin ng mga netizens dahil sa kanyang pagpupursige sa pag-aaral kahit na may krisis pa rin ng COVID-19 sa bansa.

Nalaman ng KAMI na kahit wala siyang gadget o Internet para sa online learning, naghanap pa rin ito ng paraan upang mag-enroll.

Kwento ng netizen na si Peter De Guzman, nakita niya ang bata sa isang “Pisonet Shop” sa harap ng bahay nila. Pasado alas-8 na iyon ng gabi kaya nagmagandang loob na lang siya tulungan ang bata dahil baka maabutan pa ito ng curfew.

May kailangan umanong sagutan na form ang bata bago siya makapag-enrol. Base sa mga impormasyong binigay niya, ang bata ay nasa Grade 7 na.

Wala silang budget ng pamilya niya para sa Internet at wala rin silang kahit anong gadget na pwedeng gamitin upang makapag-aral. Bukod pa rito, wala ring trabaho ang mga magulang niya dahil sa quarantine.

Kaya naman, nais tulungan ng netizen ang bata sa pamamagitan ng libreng Wi-Fi sa kanilang lugar. Humingi rin ng tulong ang netizen sa iba para mabigyan ng laptop o anumang gadget ang bata para sa kanyang pag-aaral.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang mga netizens ay naantig sa kwento ng netizen tungkol sa batang gustong makapag-aral ngayong may pandemya. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Bata, kahit ipagkait na ng mundo ang edukasyon sa'yo, ipaglaban mo. Wag kang titigil, wag kang mapapagod. Lahat ng hirap ay may kapalit na ginhawa. Magpatuloy ka, magtatagumpay ka!”
“Naluha naman ako, God Bless you Sir!”
“When i saw this photo, i cried. Sobrang nakakalungkot na yung mga desididong makapag tapos yung nakakaranas ng ganyang bagay. PLEASE GUYS, yung may kakayanang tumulong please. :(( MALKING BLESSINGS ANG BABALIK SAINYO NG DIYOS..”
“Bata, tuloy mo lang yan. Madami pang pagsubok ang dadating sayo pero kailangan maging malakas ka. Kaya mo yan. Para sa pangarap. Wag maliligaw ng landas ha. Laban.”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel