1 pang video ng 'di maingat na empleyado ng J&T Express, lumutang din

1 pang video ng 'di maingat na empleyado ng J&T Express, lumutang din

- Matapos mag-viral ang video ng ilang empleyado ng courier company na J&T Express, ilan pang reklamo ang lumutang laban sa kompanya

- Matatandaang binatikos ng marami ang nasabing kompanya matapos mapanood kung paano i-handle ng kanilang mga tauhan ang kanilang mga deliveries

- Isa pang video ang kumakalat ngayon sa social media kung saan makikita ang isa pang insidente ng walang pag-iingat na empleyado ng kompanya

- Nauna nang sinabi ng J&T na "isolated case" lamang ang naunang video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasa hot spot ngayon ang courier company na J&T Express matapos mag-viral ang video ng ilan sa kanilang mga tauhan habang walang kaingat-ingat na binabalibag ang mga parcels na ipinagkatiwala sa kanilang kompanya, na una nang naiulat ng KAMI.

Matapos nito, ilan pa ngang mga reklamo ang lumutang mula sa mga netizens na karaniwan ay mga customers ng mga online shops o kaya ay mga online sellers.

Isa pa ngang video ang kumakalat ngayon sa social media kung saan makikita ang isa pang insidente ng walang pag-iingat na empleyado ng kompanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa nasabing video na ibinahagi ng FM SHOP sa Facebook, makikita ang dalawang empleyado ng kompanya habang nagkakarga ng mga packages sa truck na pag-aari ng J&T.

Kita sa video nang "bara-barang" isampa ng dalawa ang isang sako na marahil ay naglalaman ng mga bagay na kanilang ide-deliver.

Maya-maya pa, ang isa sa mga ito ay makikitang ibinato ang ilan sa mga ito sa loob ng truck.

Nauna nang sinabi ng J&T sa isang statement na "isolated case" lamang ang naunang video.

Nakilala na rin daw ang mga sangkot sa naunang video at sinabing mananagot ang mga ito.

Ang J&T Express ay isang Hong Kong-invested logistics company na nag-o-operate sa Southeast Asia region.

Nagsimula ito noong 2015 at ngayon ay tunatakbo na sa mga bansang Indonesia, Vietnam, Malaysia, Thailand, Philippines, Singapore at Cambodia.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel