Isang lalaki, ibinahagi ang diskarte sa pagiging delivery boy at online seller ngayong may krisis
- Nagbahagi ng kwento sa buhay ang isang Pinoy matapos niyang mawalan ng trabaho dahil sa COVID-19
- Ngayong may quarantine, natutunan niya ang manahi kaya naman dito na rin nagsimula ang kanilang business
- Para magkaroon ng pagkakakitaan, nananahi sila ngayon ng kurtina at sila mismo ang nagdedeliver ng mga ito
- Nagsilbing inspirasyon naman ang lalaki sa kanyang kapwa Pinoy na huwag mawalan ng pag-asa ngayong may krisis sa bansa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang lalaki ang nagbahagi ng kanyang kwento ngayon sa social media. Ikinuwento niya ang kanyang naging diskarte ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa.
Nalaman ng KAMI na nag-isip ng pagkakakitaan ang lalaki matapos niyang mawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.
Sa Facebook post ni Christopher John Beltran Cabico, proud na proud siya sa kanyang bagong pinagkakakitaan at pinagkakaabalahan ngayon. Paliwanag niya, wala namang masama sa pagiging online seller o delivery boy.
“Wala naman masama na maging delivery boy o online seller eh,” aniya.
“Ang masama eh yung nag iinarte ka palagi tsaka lagi ka lang umaasa sa iba at lalo na sa pamilya mo, yung tipong nag aantay ka na lang ng kakainin mo. Sa panahon ngayon kailangan mong maging madiskarte sa buhay,” dagdag niya pa.
Kwento ni Christopher, hindi naging madali para sa kanya ang krisis ngayon. Subalit, naging positibo siya sa kanyang pananaw at ginamit niya ang quarantine upang matuto sa ibang bagay.
Kaya naman ngayon, natutunan niyang manahi at dito na nga nagsimula ang kanilang business na pagtitinda ng kurtina.
“Nagpapasalamat ako sa Diyos kasi kahit na ganun hindi Niya hinayaang mawalan kami ng pag-asa. Binigyan Niya kami ng sarili naming business at tinupad niya din ang pangarap ko na maging manager sa sarili naming munting company. Sipag at tyaga lang talaga kaya thank You Lord,” giit niya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, maging ang mga netizens ay natuwa sa pagiging madiskarte ni Christopher. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:
“Anak walang masama sa delivery boy dhil malinis at sarili m n yang negosyo ang masama un mga taong mahilig makialam sa buhay ng may buhay go lang ng go anak ...God bless”
“nakakaiyak naman master”
“ipagpatuloy mu lang yan nak,di mu mamalayan nakamit muna ang pangarap mu”
“Goodluck sa business mo hoping for your success”
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh