J&T Express, desididong kasuhan ang mga empleyado sa viral video

J&T Express, desididong kasuhan ang mga empleyado sa viral video

- Naglabas na na opisyal na pahayag ang J&T Express ukol sa kumakalat na viral video na kuha sa kanilang mga empleyado

- Nilinaw nilang isolated case lamang ito at pawang may sinusunod silang patakaran sa paghawak ng mga shipments lalo na at ang mga tao ngayon ay umaasa sa delivery services

- Nakilala na rin nila ang mga tauhang gumawa ng "pagtatapon" at sisiguraduhin daw nilang mananagot ang mga ito

-Napasalamat sila sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanila sa kabila ng insidenteng nakunan ng video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-trending sa Twitter ang naging pahayag ng J&T Express kaugnay sa viral video kung saan sangkot ang kanilang mga empleyado sa "mishandling of parcels".

Ito ay matapos na makunan ng video ang di umano'y paghahagis lamang ng mga parcels na ide-deliver pa lamang.

Sa naunang ulat ng KAMI kung saan naibahagi ang video, maraming netizens ang nabahala lalo na sa panahon ngayon na ang karamihan ay umaasa sa mga online deliveries at isa ang J&T Express sa mga kilalang courier services para rito.

Ayon sa nilabas na pahayag ng J&T inaako nila ang resonsibilidad sa nagawa ng mga empleyado ngunit nilinaw nila na ito ay isa lamang isolated case.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mayroon silang mga protocol na sinusunod tungkol sa tamang paghawak ng parcels na kitang-kita na hindi nasunod ng mga lalaki sa video.

Nabanggit din nilang nakilala na nila ang mga empleyado at sisiguraduhin nilang mananagot ang mga ito sa kanilang nagawang kamalian.

"We have already identified all the involved personnel in the video. Proper sanctions will be given to them accordingly," pagbibigay diin ng J&T"

Samantala, nagpasalamat pa rin sila sa mga patuloy na nagtitiwala sa kanilang serbisyo sa kabila ng napanood sa viral video.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng pahayag na binahagi rin nila sa kanilang Facebook page:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel