Pabling na mister, inireklamo ng mga ina ng kanyang mga anak kay idol

Pabling na mister, inireklamo ng mga ina ng kanyang mga anak kay idol

- Hindi na nga nagpapigil pa ang dalawang ginang na ireklamo ang ama ng kanilang mga anak

- Idinulog ng dalawa ang kanilang hinaing sa programa ni Raffy Tulfo ukol sa 'di nito pagsusustento sa mga bata

- Pero giit naman ng lalaki at ng legal na asawa nito, hindi raw sumunod sa pinag-usapan sa barangay ang isa sa mga nagrereklamo

- Nangako naman ng tulong si idol Raffy para sa dalawa para na rin sa kapakanan ng mga anak nito sa parehong babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang preno at buong tapang na inireklamo ng ginang na si Noemi Jean Casero ang dating kinakasama at ama ng kanyang dalawang anak na si Michael Dela Cruz.

Kasama nitong nagrereklamo ang isa pang babae na nagkaroon din ng anak kay Dela Cruz na si Pauline Miranda sa programa ni Raffy Tulfo.

Idinulog ng dalawa ang 'di umano pagsusustento ng lalaki sa kanilang mga anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon kay Casero, hindi na nasunod ang usapan nila sa barangay na P700 kada linggo habang si Miranda naman ay iginiit na kailangan pa umanong tawagan si Dela Cruz para magbigay ito sa kanilang anak.

Depensa naman ng lalaki, si Casero raw ang hindi sumunod sa usapan at hindi umano ipinapakita sa lalaki ang mga bata.

Itinanggi naman ito ng ginang at sinabing hindi niya ipinagdadamot ang mga anak.

Habang si Miranda raw ay nabigyan pa nila kamakailan ng P1000 para sa anak nitong may sakit.

Pero para kay idol Raffy, malaki ang pagkukulang ni Dela Cruz sa kanyang mga anak kaya naman nangako ito ng tulong sa dalawang babae para makasuhan ito.

Pero ang legal na misis ni Dela Cruz, hindi rin nagpatalo at sinabing dapat daw na suriin muna ng programa ang reklamo ni Casero laban sa kanila bago ito tulungan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang report ng KAMI, idinulog din sa programa ni idol Raffy ang isyu ng viral na Grab rider na nakasagasa ng 8-anyos na bata.

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang Filipino broadcast journalist na kinikilala ng marami dahil sa kanyang pagtulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng kanyang programa.

Kapatid nito sina Ramon, Ben at Erwin Tulfo na kilala rin sa larangan ng broadcasting.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel