Reported cases ng COVID-19 lampas 1,100 sa loob lang ng isang araw

Reported cases ng COVID-19 lampas 1,100 sa loob lang ng isang araw

- Umabot sa 1,150 ang reported cases ng COVID-19 ngayong araw, Hunyo 23

- Ito ang na bumuo sa kasalukuyang bilang na 31,825 confirmed cases

- Masasabing ito na ang pinakamataas na bilang na naitala sa isang araw, na ang ikalawa ay ang naitala noong Mayo 29

- NCR pa rin at Region 7 ang mga lugar na may pinakamataas na bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lampas isang libo na naman ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw, Hunyo 23.

Nalaman ng KAMI na ito sa ngayon ang pinakamataas na bilang ng naitala sa loob ng isang araw kung saan pinagsama ang 789 fresh cases na nakalap sa loob ng tatlong araw at 361 late cases na nakumpirma humigit apat na araw na ang nakararaan.

Matatandaang noong Mayo 29, umabot din sa 1,046 ang reported cases ngunit mas mataas pa rin ang naitala ngayon.

Sa datos na inilabas ng Department of Health, Mapapansin na ang 1,150 additional cases ay karamihang nagmula pa rin sa NCR at sinundan pa rin ng Region 7 kung nasaan ang Cebu.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ito ngayon ang dumagdag sa kabuuang bilang na 31,825 na confirmed cases sa bansa sa ngayon.

Samantala, 299 naman recoveries na nagbigay pag-asa pa rin sa marami habang siyam lamang ang naitalang pumanaw dahil sa COVID-19.

Kasalukuyan naka-general community quarantine pa rin ang Metro Manila kung saan pinahintulutan na ang ilang establishments na bahagyang magbukas sa publiko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Patuloy pa rin ang paalala ng Kagawaran ng Kalusugan patungkol sa mga safety protocols lalo na sa ma lalabas ng bahay at mahigpit pa rin ipinagbabawal ang paglabas ng mga may edad 21 pababa gayundin ang mga senior citizens.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel